Chapter 1

3 0 0
                                    



"pak sige lang teh! pose pa!" Bulong ko sa sarili ko habang kumukuha ng pictures...well i'm just doing some mirror selfie..usong uso kase eh Lol...para akong baliw dito..

*Ring ringgg*

pumunta  ako sa higaan ,kung saan nakalagay ang cellphone ko..at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad agad ko itong sinagot...shemayyy excited na ako sa date ko!

"Hello?' malandi kong intro

"Uhmmm hey! so dito tayo sa s.m north ha? hintayin kita" sabi ni Rico...siya yung ka date ko...nakilala ko lang siya sa dating site xD.

"Suree, i'm on my way na" sabi ko habang hinahawi ang maganda kong hair.

"Hehe see ya pretty, text mo ko kapag nandito ka na"

"Okay" at pinindot ko na ang end call button.

Jusko lord! sana si rico na ang naka destined sa akin! 27 na ako lord oh! wala pa rin akong boyfriend!! Ano bang kulang sa akin? medyo maganda naman ako? well sabi ko lang naman medyo...parati naman akong naliligo, tatlong beses pa nga sa isang araw eh! at higit sa lahat, mabait naman ako??? lol ..

* Blaggg*

"Ay pusang ina!" sigaw ko dahil nagulat ako dahil may biglang bumato sa salamin ko, dito mismo sa kwarto ko..

"Hala lagot ka kay ate erica niyan!" sigaw ng mga tao sa baba..

Punyeta!!!! may nagbabalak bang manakit sakin dito?????!!

Agad agad akong bumaba at lumabas ng bahay at hindi nga ako nagkamali...nakita ko yung kababata kong si Marco at yung bunso niyang kapatid na si karl.

"Sinong bumato sa salamin ko ha?!" sigaw ko sa kanilang dalawa...eskandalosa ako eh, wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao dito! ako yung naagrabyado eh! papaano kung may matamaan ha?!

"Si kuya marco po ate erica,binabato niya po kase yung mga kalapati sa bubungan niyo eh" pagsusumbong ni karl

"Hindi ah, ikaw nga kaya----" lumapit ako kay marco at piningot ang tenga nito.

"pagbibintangan mo pa yung kapatid mo ha?! bata pa lang tayo siratuktok ka na eh!palitan mo yung salamin ko marco! kung ayaw mong tenga mo ang mapalitan! maliwanag?!" banta ko sa kanya habang pingot pingot pa rin siya.

"Oo na aray!!!!----" sigaw niya

"Pagbalik ko mamaya dapat may salamin ka nang pamalit ha?! umayos ka diyan!" inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng bahay....badtrip panira ng mood! ang ganda ganda ng araw ko tapos sisirain!!! hay nako...
Bata pa lang kami talagang baliw na yang marco na yan! jusko ang tanda tanda na hindi pa rin nagpapakatino! tambay na nga wala pang trabaho...haysst sige marco push mo yan.

Inayos ko na ang sarili ko at niligpit lang saglit ang mga nabasag na parts ng vanity mirror ko..ang mahal pa naman ng bili ko dito! dahil lang sa kabaliwan ng marco na yan! nakasira siya ng gamit ng iba!

Lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi papuntang sm north....can't wait na jujuju

nang makarating na ako sa s.m ay dumiretso na agad ako sa shakey's na kung saan ang venue ng date namin...
Hinanap ko agad kung nasaan si rico at natanaw ko siya, may mga pagkain na sa table at kumaway siya sa akin..
lumapit agad ako sa kanya at ngumiti ng bongga.

"Hi" malandi kong bati

"Hello" tumayo siya at inilabas ang upuan malapit sa akin..shemay ang gentleman naman this boy.

"Thank you" sabi ko at umupo na, katulad ko ay umupo na rin siya..

"Ang ganda mo pala in person, sabihin mo nga, pang ilan na ako sa mga naka date mo?" tanong niya habang umiinom ng iced tea

Man In The MirrorWhere stories live. Discover now