The Unwanted Love (MAdV) - 20

100K 1.8K 116
                                    

Stay safe and dry, everyone! 😘
Happy reading 😘

Chapter 20
Unedited
13 August 2018

"I go for no." Sabay-sabay na napatingin ang apat na babae kay Sandra. Nagtaas ng kilay ang babae at nagkibit balikat. Ibinaba nito ang hawak na baso at pinag-krus ang mga braso. "I mean. He treated you so badly. Bakit mo pa babalikan?" Esplika ng babae. Hinalo nito ang melon shake gamit ang straw. Nasa isang pastry shop sila para sa kanilang regular Tuesday catch up. Walang gagawin noon si Emerald kaya napagdesisyunan niyang sumama sa mga ito. Hindi niya rin makalimutan ang nangyaring pagsulpot ni Marcus sa kanyang exhibit kaya ikinuwento nito iyon sa apat na kaibigang babae. She never had a sister friend. Si Angelus lang. Pero hindi na ngayon.

"He wants to have you back, Emerald that's how I see it." Esplika nitong muli. Kakatapos lang kasi niyang ikwento ang nangyari.  Bigla nalang kasi nitong sinabi na "I go for no." out of nowhere pagkatapos niyang magsalita. Tumango si Luna. "Yes, he wants you back, Emerald." Hinawakan siya nito sa balikat. "You should not let him hurt you again. You've been through enough, sweety." Malungkot ang ngiting saad ng kanyang kaibigan.

"Emerald, opinyon ko ang ha? If you love him, give him a chance.", ipinatong ni Cassy ang kamay sa kanyang kamay. Ngumiti ito sa kanya. "Everybody deserves one."

"Ay, girl. Huwag kang makinig kay Cassy. Martyr yan. Pwede niyang palitan yung tatlong paring martyr. May laban yan gurl." Napangiti siya sa tinuran ni Luna. Sabi nga ng mga ito ay may pagka martyr si Cassy. Hindi niya masyadong tanda kung bakit pero grabe daw ang pagka-martyr nito kay Gabe. Ang tawag ng dito ni Luna ay ang Demonyo at ang Martyr. Napailing si Cassy.

"Basta ako, it is a big no. You deserve better. May Ed ka naman na. That's the guy that you need to give a chance." Taas kilay na saad ni Sandra at dume-kwatro pa.

Tumingin si Cassy kay Sandra. "Ang tanong..." bago tumingin sa kanya. "Mahal ba niya?". Nangalumbaba si Cassy at tinignan siya na tila ay napaka-interesado nito sa isasagot niya.

Napakagat labi si Emerald. "See? Hindi niya mahal.", saad ni Cassy at sumandal sa kanyang upuan. Is she that obvious? Napayuko siya at napatingin sa magkadaop niyang palad. She really does not know what to do. Impulse lang ang nangyari noong Sabado. Hindi nga niya alam kung paano niya iyon nagawa.

"But you can learn to love him.", Luna said before she sips her coffee. Napatingin siya rito. Mas lalo ata siyang nalito sa kung anong dapat niyang gawin. "Yeah, he seems fine and a gentleman. He definitely adores you too." Tudyo pa ni Sandra. Magkakampi ito at si Luna. Napatingin siya kay Marga. Gusto niyang malaman kung anong masasabi nito ngunit nagkibit balikat lang ito.

"Hoy Luna at Sandra. Don't deny it, but didn't you two gave Cage and Raqif their second chances?", naningkit ang mga mata ni Cassy. She never saw this side of Cassy maliban kapag pinapagalitan nito si Marga. She understood that, nakababatang kapatid niya ito. "And you, Luna," tinuro nito ang katabing babae at tinaasan ng kilay,  "five chances pa nga ata binagay mo kay Cage diba? Di ba?".

Napatikom ang bibig ng dalawang babae at napasandal sa kani-kanilang upuan.Nasa magkabilang panig ang mga ito ni Cassy. Sa tabi niya si Luna, sa kanyang kanan naman si Marga. Napangiti ito nang mag-iwas ng tingin ang dalawa. Bumaling sa kanya si Cassy, "So, ayun na nga. You should give him a chance, Emerald."

"Emerald.", napatingin si Emerald kay Marga. Humiwalay na sila sa tatlo. Sa kanya daw sasabay si Marga. Pauwi na sila. Gusto daw nitong bisitahin si Sophia. "Yes, Marga? Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?" Tanong niya sa babae. Nasa elevator sila pababa sa parking lot.

"Nothing. Uhm, I just want you to know that ate Cassy is right. You should give kuya Marcus a chance." Anito at tumingin sa harapan. "I have told you before, mahal ka ni kuya Marcus." Napatingin din siya sa kanilang repleksyon. She remembered that day when Marga told her about it. That was the day she first joined the girls for a day out. Tumingin sa kanya si Marga at ngumiti. "He loves you, Ate. I am sure of it. I feel it. Everyone could see it in his eyes.", umayos ito ng pagkakatayo. "Ate Luna and Sandra were just too mad at him to admit it. Akala kasi nila iba si Marcus sa mga kaibigan nito. You know? Cage was a playboy, Raqif treated Ate Sandra as if she was a woman who sleeps with him for his money. Kuya Gabe, well he's a monster." Napakagat labi ito. "And Toffee, Toffee is a lowkey heartbreaker."

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon