CHAPTER 1

29 5 1
                                    

Papaano kung ang lahat ng hindi mo inaasahan ay mangyari sa hinaharap, kaya mo kayang maipaliwanag?. 

 Kaya mo kayang takasan ang kakayahang makita kung ano ang dapat mong makita, handa kana bang malaman ang iyong hinaharap?.

 O mas handa ka ng malaman at makinig sa iyong kapalaran.

 Kapalarang makita ang kamatayan ng bawat taong iyong makikita, kamatayang makikita sa pamamagitan ng isang masamang panaginip. 

 Panaginip na para sa iba ay normal, pero sa reyalidad ay may kahulugan. 

 Ang sabi nga nila, kabaligtaran ang mangyayari sa anumang nakita mo sa sarili mong panaginip.

 Papaano kung ang normal na panaginip ay maging makatotohanan. Papaano mong makakayanang makita ang kamatayan ng bawat isa.

 Normal bang maiisip na isa lamang itong panaginip lang, o mas normal na maniwala ka na lang.

 Normal bang managinip na puros masasama at patungkol sa kamatayan ng isang tao, o mas normal na managinip ng maganda at masamang bangungot. 

 Kasya sa panaginip kung saan papaano mo makikita ang iyong kamatayan.

 Isa nga ba itong regalo o isang sumpa.

 Regalong bibihirang mayroon ang isang tao at dapat na pahalagahan.O sumpa na dapat mong pag dusahan.

 Isa ba itong kasalanan o isa lamang itong katotohanan.Kasalanan bang makita ang panaginip na ang laman ay ang kamatayan ng isang tao?

 Kaya mo kayang maniwala? 

 O mas mabuting wag mo na lang paniwalaan. 

 Isa nga bang kahangalang makinig sa isang bagay na puros hindi katotohanan. 

 Kung ako sayo. Maniwala kana. 

Dahil hindi imposible ang lahat pag dating sa kanya. 

 Mag handa ka. Dahil baka ngayon na ang iyong kamatayan.  

  Bata pa lang ako ay hindi ko na maipaliwanag ang ano mang nangyayari sakin, bagay na kahit ang mga magulang ko ay hindi masagot ang mga katanungan ko.

 Isa raw itong maituturing na regalo, pero bakit parang puros kamalasan lang ang hatid nito. 

 Inakala kong normal ang mga nakikita at napapanaginipan ko. 

Pero ng mag kolehiyo ako ay mas lalo ako nitong pinahirapan, pag hihirap sa bawat araw na halos ayoko ng lumabas at matulog. 

 Mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng mga ekspertong tao, ay ang mga bagay na hanggang ngayon ay pilit kong inaalam. 

 Ano nga ba ang kakayahan kong makita ang hinaharap, hinaharap sa kung papaanong paraan mamamatay ang isang taong walang kamalaymalay sa nag pipinto nilang kamatayan. 

 Kung sa iba ang tawag nila sa minsanan nilang pananaginip ng masama ay bangungot, para sakin ay isa itong sumpa ni kamatayan.  

  Sumpa kung saan ako ang nag durusa, gustuhin ko mang takasan.

 Pero nananatili itong karugtong ng aking buhay.

 Pilit ko mang sabihin sa iba ang mga nakikita ko at napapanaginipan ay alam kong pag tatawanan lang naman nila ako, mas pinili kong manahimik at wag na lang mag salita. 

I AM YOUR WORST NIGHTMARE 'DREAM OF ME, AND DIE! (ON GOING)Where stories live. Discover now