Prologue

3 2 0
                                    

Once upon a time, may isang batang lalake na napasok sa isang pang mayamang party. Dahil yon lamang ang naaninag niyang ilaw sa madilim at masukal na daan na tinatahak. Dinala siya doon ng kaniyang mga paa. Umaasang may tutulong sa kaniya. Takot na takot at nanginginig ang bata. Pero walang nakapansin sa kaniya. Tila isa lang siyang masamang hangin na dumaan sa paligid. Nang makita pa siya ng mga guwardiya ay sinigawan ito at itinapon palabas.

"What are you doing here?"

Paimpit siyang napaiyak ng may humawak sa kaniyang braso. Gustuhin man niyang iwaksi iyon pero hindi niya na kaya. Nanghihina, nilalamig, at pa ika-ika na siya. Wala na siyang natitirang lakas para gawin iyon.

"Geez! You're Sick!"

Dahan-dahan ay sinalubong niya ang tingin ng batang humawak sa noo niya. Mas lumaki pa ang mata niya ng maaaninag ang mukha nito.

"Hey bud, what happened to you?"

Kumpara sa kaniya, mas matangkad pa ang batang kaharap. Katamtaman lamang ang kulay ng balat nito; hindi maputi, hindi din maitim. Magaganda at nangungusap ang mga mata nito.

Ipinatong nito ang palad sa ulo niya, dahilan sa pag tigil ng oras sa paligid niya. Ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng puso niya ng mabilis. Halos lumuwa na iyon sa kaniyang dibdib. Hindi na din niya narinig ang tunog ng ulan. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ngayon ay may isang tao na nakarinig ng mga hikbi niya.

Kasabay ng pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata ang pagbuhos pa ng malakas na ulan. Gayunpaman ay hindi ito umalis sa harap niya. Nanatili itong nakatayo at pinrotektahan ang ulo niya sa ulan gamit ang mga maiinit na palad nito.

Hindi naman pala ganoon kasama ang mundo. Kahit papa-ano ay may tao pa palang handang lumusong sa malakas ng ulan para samahan siya at iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa.

"A-Anong p-pangalan m-mo?"

"My name is Jongin."

Gumuhit sa kaniyang labi ang matamis na ngiti. Napatango-tango siya.

Jongin..

Jongin..

Jongin..

Kahit kaylan ata ay di siya mapapagod na bigkasin ang pangalan niya.

"J-Jongin.... "

QUAINT OFFBEAT by JMLHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon