Tumaas ang kanang kilay ni kyungsoo ng masilayang ang ina lamang niya ang nagwawalis sa malaking bakuran ng kapit-bahay habang ang ibang mga katulong ay panay pindot lamang sa kani-kanilang mga selpon. Uminit ang ulo niya sa nakita.
Padabog niyang pinasok ang malaking gate at marahas na kinuha ang selpon ng isa sa mga kasambahay. Umalma naman ang iba pang kasambahay. Umikot ang mga mata niya sa mga nabasa.
Sir, Kumain na ho kayo?
Sir, May kaylangan po ba kayo?Sir! Sir! Sir! Nilalandi ba niya ang amo nila dito? Ehe!
"Hoy D.O! Avoiding on privates right ka at Trespassing ka pa!"
Pinukol niya ng masamang tingin ang babae. "Wala akong pakialam sa traspashi na yan! Wag na wag mo akong tinatakot sa mga ganiyan babae ka ha! You don't care my right!!"
Humagalpak naman sa tawa ang mga kasambahay at dinuduro pa siya ng mga ito habang hinahawakan ang kani-kanilang mga tiyan.
Binigyan niya lamang ang mga ito ng tangina-niyo-takas-ba-kayo-sa-mental-look.
"Kyungsoo, tama na yan. Ibalik mo na yang bagay na iyan sa kanila" malumanay na sabi ng inay niya habang sinusubukang kunin sa kaniya ang selpon na pagmamay-ari ng isa sa mga kasambahay.
"Nay, ayoko! Umuwi na po muna kayo sa bahay. May pagkain na hong nakahain don."
"Kyungsoo ka pala? Haha. May pa D.O-D.O ka pang pakulo!" ani ng isang kasambahay
"Pangit raw kasi ng kyungsoo, pang old pasyon!" sabi habang humagikgik ng isa pang kasambahay
"Imbentor ka pala Kyungsoo! Este D.O!"
Kumuyom ang kamao niya, pinagtatawanan ba nila ang binigay sa kaniyang pangalan ng mga magulang?
"Oh em!!" ani ng kaharap niyang kasambahay na siyang nag mamay-ari ng selpon na kinuha niya "D.O? Siguro yan yong ginagamit mong pangalan sa tuwing duty mo no?" pagkatapos ay binigyan siya nito ng malokong ngisi
"Ehem! Duty saan? At bakit sa gabi?" dagdag pa ng isang kasambahay pagkatapos ay tumawa ito ng malakas
"Bakla na nga... pokpok pa! Salut!"
"Oo nga, tingnan mo nga yong suot! Sobrang nipis at halos maaninag mo na ang nasa loob. Mukhang gamit na tsk tsk"
Umawang ng kaunti ang labi niya sa narinig pero hindi niya iyon ipinahalata sa kanila. Inaamin niya, imbis na mainis, magalit, ang naging reaksyon niya ay magkahalong sakit at pait. Gusto niyang maiyak. Hinuhusgahan at tinatapakan nila ang pagkatao niya.
"Anong sabi niyo?! Ulitin niyo pa yang sinabi niyo sa anak ko! Hindi pokpok ang anak--- Uh! Uhhh..."
Nasalo niya ang bumagsak na katawan ng ina at maluha-luhang pinipikpik ang pisngi nito para gisingin.
"N-Nay? NAY? NAY!!" Napasinghap naman ang iba pang mga kasambahay sa sinapit ng kasamahan nila.
"Tulong! Tulong!"
LABIS-LABIS ang pag-aalala ni kyungsoo sa sinapit ng ina, balak niya sanang dalhin sa ospital ang ina ngunit nagpumilit pa ito na sa center na lamang siya dalhin.
"Guardian of Delilah Doh?"
Kaagad niyang nilingon ang nagsalita ng marinig nito ang pangalan ng ina. Bigla siyang nakadama ng kaba ng hindi maipinta ang mukha ng nurse. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano. Bakit? Anong nangyari? Hindi ba siya okay? Malala ba? Tumor? Cancer?
BINABASA MO ANG
QUAINT OFFBEAT by JMLH
FanfictionInnocence is not for lifetime but Why? Is it really that essential in life that if you'll break 'it' you're no longer deserves to be respected?