Teaser

8 2 0
                                    

October 3, 2018

Teaser:

Siya si Zabrena Andromeda, laking orphanage. Nakapagtapos ng kursong Fine Arts. Mula ng mag dese-otso siya ay naging independent na siya. Gayon pa man, scholar parin siya ng Divine Grace Foundation kaya nakapag-aaral parin siya sa koliheyo hanggang makapagtapos.

Masasabing malaki ang ipinag bago niya mula sa batang orphan hanggang sa magkaroon na siya ng pangalan sa larangan ng sining. Subalit sa kabila nito ay tila may kulang parin. May hinahanap parin siya, ito ay ang maramdaman ang mahalin at pahalagahan.

Hanggang sa isang artikulo sa feng shui magazine ang nakakuha sa kanyang atensiyon.

Isang ritual na tila sadyang para sa kanya dahil angkop na angkop ito sa kanyang talento. Kailangan niyang ipinta gamit ng kanyang dugo ang lalaking pinapangarap niya at hilingin ito sa buwan, sa pamamagitan ng isang retwal.

Ano ang naghihintay na tadhana kay Zabrena? Matagpuan kaya niya sa pamamagitan ng ritwal ang lalaking nakatadhana sa kanya? O isang misteryo ang matuklasan niya sa kanyang pagkatao?

EmpressMaire

Blood Ink (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon