Prologo

6 2 0
                                    

Prologo

"Sino ka? Paano ka naka pasok sa bahay ko? Magnanakaw ka no? Wala kang mananakaw dito. Hindi ako mayaman para pagnakawan mo." Diretsong sunod-sunod niyang tanong sa lalaking nadatnan niya sa loob ng kanyang condo unit sa Malate.

"Bakit ko naman pagnanakawan ang aking reyna? Ang babaing gumising sa akin mula sa daan-daang taon ng pagkakahimbing."

Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Napakurap-kurap siya bago napatitig sa lalaking kasalokuyang nakatayo sa kanyang harapan.

Matangkad ang lalaki, may kulay itim na mahaba at tuwid na buhok. Matangos ang kanyang ilong. May manipis at kissable na labi. Makapal na kilay at mahabang pilikmata. Idagdag pa ang kulay abuhin niyang mga mata na nakakahipnotismo kapag tinitigan ito.

"What are you talking about?" Aniya nang makabawi mula sa pagkakatulala.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nabuhay akong muli. Ang dugo mong bughaw ang naging susi."

Naka tingin lang siya sa guwapong nilalang na naka tingin din sa kanya. Blanko ang kanyang isipan. Hanggang sa maalala niya ang kabaliwang ginawa niya sa gabi ng birthday niya.

Nanlalaki ang mga mata na napaturo siya dito. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya.

"Y-you!.. Ikaw yung..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng biglang magdilim ang kanyang paningin. Pero bago pa man siya toluyang lamunin ng dilim ay nakita niya ang nag-aalalang tingin ng binata sa kaniya. Pati ang mabilis na kilos nito para saluhin siya sa mga bisig nito.

EmpressMaire

Blood Ink (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon