Kadugyutan 1

32 1 0
                                    



Kakalabas ko lang ng bahay at maitim na gilagid ni Barjog Phephe ll ang nadatnan ko. Ihilamos ko sa kanya ang tae ni Jakulele. Aso ko yun. Wakwakwakwak.


"Ey torjak, laro tayo ng spillipers geym!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dali dali kong kinuha ang tsinelas na goma.


"Tawagin mo na sina Cantooth Ahn at Ieuth Ahn." Magkambal sina Cantooth at Ieuth. Di ko alam pero lagi lagi kaming nag aaway pero nagkakasundo pa din kami pagdating sa mga gantong laro.


Dumating naman si Kulubot anak ni manang tekleng kasama sina Budit. Mukhang makikilaro ang mga bugok.


Inayos ko na yung mga bes. Basta yung tinutungtungan kapag titira na .


"Sige kami ni Torjak kayong lahat!"
Pagmamayabang ni Barjog. Payag naman ako kung ganun. Sa galing ko sa spillipers geym.


"Ang daya naman! Amin si torjak!" Sabi ni Budit habang pinupunasan ang uhog niya gamit ang braso niya. Kadiri! Pwede naman kasing sa damit di'ba?


"Wala! Kami na ni Torjak! Akin na siya!" Sagot naman ni Barjog kay Budit. AyieEE3! Kinilig ako dun ah!


"o sige basta kaming pasok!" Pagsuko ni Budit na agad namang sinang ayunan nina Cantooth at Ieuth. Palibhasa gustong gusto agad makatira ng mga bruha na ito.


Pumwesto na agad kami ni Barjog dahil kami nga ang taya, habang dinagdagan naman ng isa pang tsinelas ni Budit ang mga bes.


Ako ang naga pits o yung mga hagis ng tsinelas para masipa nila, habang si Budit naman ang sisipa. Kunwaring ihahagis ko yung tsinelas na goma pero joke lang yun kaya sumipa siya sa wala na kinatawa naming lahat, wala kasi siyang brip kaya nakita namin ni barjog yung betlog niya na pinagsasabi agad namin sa mga kalaro.


"Walang lokohan mga punyemas kayo!" tawa lang kami ng tawa at inihagis ko naman ang tsinelas at agad niya naman itong nasipa. tatakbo na sana siya sa susunod na bes ngunit na dampot agad ni barjog ang tsinelas at binato si Budit.


At kamalas malas nga namang sa betlog pa siya tinamaan. Wakwakwak! Galing ni Barjog! inapiran ko naman si barjog dahil dun.


"hoy! Ako na!" Maarteng sigaw ni Cantooth.


"O di ikaw na!" Walang sabi sabing hinagis ko yung tsinelas at tumama iyon sa mukha niya.


"Ang taas naman ng pitch! Tinamaan mukha ko ay!" Reklamo niya na agad na ikinairita ko.


"Ay mukha ba yon? Akala ko paa!" At nagtawanan na kaming lahat. 


"Ala hinayupak Kang torjak ka! Mamaya ka sa'kin" Pagbabanta pa niya.


Inirapan ko na lang siya saka hinagis yung tsinelas at nasambot ko naman kaya tanggal na siya. binelatan ko pa siya bago makaalis.


"Ieuth! buoin mo kami ni Kulubot ha!" Sabi pa niya sa kakambal na kasalukuyang sisipa.


Tumango lang si Ieuth at seryosong seryoso na nakatingin sa tsinelas  na hawak ko, natawa na lang ako sa kanya saka inihagis ang tsinelas na abot hanggang bewang niya, pinilit niya itong abutin pero nagmukha lang siyang nangangarateng tikling. Wakwakwakwak.


"Punyeta ang taas naman! Ikaw nga Barjog mag pitch kasura naman aring kupal na ari!" Pagtutukoy niya sa akin. Mabilis ko namang iniaabot  kay Barjog ang tsinelas kase gustong gusto ko na talagang sumipa at pasampitin yung tsinelas sa bubong nina ka Emelda. Wakwakwakwak.


Pagkasipa niya ay na out din agad siya dahil nasukol ko sa patatlong bes yong sinipa niya. Umusog naman agad si Budit kase siya naman ang sisipa. Napalipad niya yong tsinelas pero di naman kalayuan, sapat na para makatakbo siya ng dalawang beses. Maliksi kase si barjog, gusto na rin atang sumipa.


Na out din agad si Budit dahil nasukol ko na naman. Wakwakwak, mahaba ang binti ko ay. Kaya patakbo kaming umapak sa bes namin ni Barjog. Siya ang una kase ayokong ma out agad, Kunwari ako superhero saming dalawa at bubuhayin ko siya pag nataya siya. 


Pero nakakailang Ikot na kami ay wala pa ring natatanggal samig dalawa. Paano baga naman hindi natulong yung kambal. 


"Ayoko na!" Sigaw ni Kulubot sa kalagitnaan ng aming paglalaro. Pumayag na rin kami kase nakakapagod nga naman. Kanya-kanya kami ng kuhaan ng ginamit na tsinelas habang sumisigaw kami ni Barjog ng, "Banggoy! Bagoong! Sawsaw Talong!" Paulit ulit kami hanggang sa makauwi sa bahay.


Pagkauwi ko ay nakita ko si Nanay na nasa labas ng bahay at nakikipag tsismisan kay aling rosa habang parehong may hawak na walis ting-ting.


"Nay! Anong ulam?" Sigaw ko agad.


"Tingnan mo jan sa ref." Agad naman na naguluhan ako.


"E Nay wala naman tayong ref?"


"Edi wala tayong ulam, etong bangag na 'to" sabi ni inay saka naunang pumasok sa bahay wala pa siguro si itay nasa sakahan pa. Kaya umupo na lang ako sa kahoy naming upuan at binuksan yung tibi naming kulang na lang ay matanggal na ng lahat ang larawan doon dahil sa sobrsng labo. Hays, Paglaki ko talaga mag-aaral akong mabuti.


HAAYS! ANG Pagod! Humiga naman agad ako sa banig namin para magpahinga, bigla na lang akong nakarinig ng sigaw. Hay nako! Nag aaway na naman sina inay at itay. Siya nga pala, hindi nila ako tunay na anak pero masaya ako sa piling nila kasama ang anim ko pang kapatid-kapatidan, ako ang bunso (kung tunay akong anak). Kaya okay lang sa'kin magpahila hilata dito sa bahay. O sige na maga pahinga na ako mga kabaro!


A/N: How was it? Sana naging happy kayo kahit papano. HAHA. medyo ganyan childhood memory ko e, kayo ba? At kung mapapansin niyo po yung transition from one POV to another POV is naka caps lang ang ilang letra. Sana maintindihan niyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Slice of LifeWhere stories live. Discover now