War

23 2 0
                                    


3 year's ago.

Tatlong taon na ang nakakaraan mula ng maging kami ni nathan, masaya ako sa tuwing magkasama kami, masaya ako pag masaya sya, pero syempre hindi mawawala sa isang relasyon ang away, lahat naman ng couple nagkaka problema, minsan pa nga nauuwi sa hiwalayan, pero sana hindi kami mauwi sa ganon diba? Sana forever na kami. Kahit na walang forever hehe.





Saturday





Sabado na ng hapon at naka tunganga parin ako sa phone ko, dahil hanggang ngayon hindi parin nag tetext sakin si nathan, naiirita na ako kahapon sabi nya may gagawin lang sya saglit kaya hindi naka pag replay alam ko yun, naiintindihan ko, kaya binigyan ko sya ng time, kagabi tumawag sya pero saglit lang kami nag usap tapos binaba nya na agad, sobrang hectic daw ng sched nya ngayon dahil malapit narin syang grumaduate, same kami kasi pareho lang naman kami ng grade, pero grabe naman sa hectic sabagay nasa higher section sya, section two sya ako section four medyo may agwat, pero syempre dahil mahal ko sya bibigyan ko sya ng time.






Alas otso na ng gabi still wala paring text, bagot na bagot na ako kakahintay, pero wala parin! Tinext ko na mama nya pero ang sabi ng mama nya wala daw sa bahay nila, hindi ko na alam kung anong ginagawa nya o kung nasaan sya, nag aalala na ako anong oras na.






Alas dose na ng madaling araw ng biglang mag vibrate yung phone ko pag tingin ko nag text na si nathan, sa wakas! Buong araw ko syang hindi naka text, kaya naman dali dali kong tinignan.

From: My Nathan

Hi babe, good evening, sleep ka na dyan tawagan kita bukas, iloveyou.

Yun nayon?! Buong araw akong nag antay ng text nya tapos yun lang ang text nya?! Magaling nathan magaling!!!





Kinabukasan




Alas nuebe na ako nagising dahil anong oras narin ako naka tulog kakaantay ng text nya, kaya naman pag gising ko ang eye bags ko ang lulusog!


Pag baba ko nakita ko si nathan na kausap si mommy mukhang ang sasaya, at dahil bad trip ako sakanya, nagdare-daretsyo lang ako pababa at pumunta ng kusina para kumain.

Napansin ako ni nathan pero pinabayaan ko lang sya at nag tuloy tuloy hanggang maka rating ako sa kusina, pagdating ko sa dining area umupo na agad ako at nag simulang kumain, pero pag lingon ko sa gilid nakita ko si nathan na nakaupo at nakatingin sakin, pero inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa kinakain.



"Babe, sorry na kung hindi ako nakapag text ako sayo kahapon, may ginawa lang kaming group project na kailangn agad ipasa, kaya naman buong araw akong hindi nakapag text, sorry na" paliwanag nya


"Eh bakit kasi hindi ka manlang nag text o tumawag kahit saglit?! Hindi mo ba pwedeng iwan saglit yun at ipaalam sakin kung anong ginagawa mo? At kung nasaan ka?!" sigaw ko dahil talagang nakakabad trip sya!



"Kailangan na kasi ng mabilisan yun, kaya naman hindi ko muna ginalaw yung phone ko, tska anong oras na namin natapos yung project na presentation namin, sorry na tara gala tayo ngayon?" sabi nya kaya napalingon ako, alam nya kasi pag badtrip ako gusto ko lang gumala. "Ano? Game?"


"Basta sa susunod wag mo ng gagawin yun ah!" sabi ko


"Opo promise hindi na" sabi nya at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa kaya naman napa iling nalang ako at pinag patuloy ang pag kain.



Itutuloy......

I'll Be There (Short Story)Where stories live. Discover now