The Day

26 2 0
                                    



It's been a month simula ng mag propose sakin si nathan, pagkatapos nun agad agad namin inasikaso yung mga kailangan para sa kasal, tumulong ang pamilya namin at malalapit na kaibigan, masyadong atat kasi tong si nathan gusto nya na daw ako pakasalan at take note nakapag patayo na sya ng bahay ng hindi ko alam, so lahat pala planado na shete kinikilig ako! Nung makita ko yung bahay grabe yung tuwa ko dahil ayun yung dream house ko at tinupad nya, super grabe yung iyak ko nun TEARS OF JOY nga kung tawagin.






Ngayon naman ay nandito ako sa hotel na pinag tutuluyan namin dahil ngayon na gaganapin ang kasal namin, super saya ko dahil ito na pinapahihintay naming dalawa, talagang pinag handaan naming dalawa to.






Inayusan lang ng make up artist na hinire namin at syempre yung taga ayos ng buhok ko, light make up lang naman yung nilagay sakin kasi ayun yung request ko at ayun yung babagay sakin at sa isosoot ko na wedding dress, ako mismo ang pumili nung damit nayon at talagang napaka ganda non.





Ilang minuto pa at tapos na akong ayusan, may camera man na nag vivideo remembrance manlang daw kaya nag hire si nathan, jusko ang daming perang inipon nung lalaking yon akalain nyo nakapag patayo ng bahay at kumpleto na ang gamit tapos halos kalahati yata ng preparation sya ang gumastos grabe lang.





Tapos na akong ayusan, I'm perfectly good now, isosoot ko nalang yung wedding dress ko at tapos na.





Habang sinosoot ko yung wedding dress ko, naisip ko lang kung what if hindi kami pinagtagpo ni nathan ano kayang mangyayare? Makakahanap kaya ako ng iba o hindi? Maikakasal kaya ako sa edad na gusto kong ikasal? And daming tanong sa isip ko pero lahat ng yon ay nawala dahil biglang pumasok sa isip ko si nathan, si nathan na itinagpo sakin, si nathan na minahal ako kahit na sobrang kulit ko, si nathan na kaya akong tiisin, si nathan lang wala ng iba.






Ilang minuto pa ang nakalipas tska kami lumabas para magpunta na sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin, pagsakay namin ni mommy sa kotse umandar na ito at doon na ako nakaramdam ng kaba saya at kung ano ano pa, ganto pala kapag ikakasal talagang kakabahan ka, kasi naman yung feeling na alam mong readyng ready ka pero pag malapit na doon ka talaga makakaramdam ng kaba! Shems lang!





Nasa tapat na kami ng simbahan naunang bumaba si mommy at sumunod naman ako, kinakabahan talaga ako! Pero hindi pwedeng mag back out duh!? Back out?! Nuyon? Basta kailangan mawala tong kaba ko naeexcite ako na kinakabahan basta!





Umakyat na ako ng hagdanan paakyat sa pintuan ng simbahan, naka sara kasi ito, inayusan lang nila ako sandali tska ako huminga ng malalim at ng matapos akong ayusan sandali inayos lang nila yung damit ko at ilang sigundo pa bumukas na ang pinto ng simbahan at doon nakita ko si nathan na naka tingin sakin.





Naglakad na ako hanggang sa lumapit na sakin si mommy pagkatapat ko sakanya tska ako kumapit sa braso nya, nakangiti lang ako habang naglalakad kasi sobra sobrang saya talaga ang nararamdaman ko, oo alam ko paulit ulit ako pero ang saya talaga ng kalooban ko yung feeling na konting oras o minuto nalang magiging mag asawa na kayo sarap sa feels.





Hanggang sa makalapit na ako sa tapat ni nathan binitawan na ako ni mommy dahil nilapitan sya ni nathan kiniss lang ni nathan si mommy sa pisnge at may sinabi pa si mommy pero hindi ko narinig, tumango nalang si nathan tska naka ngiting lumapit sakin kaya ngumiti rin ako sakanya tska ako kumapit sa braso nya.





Nagsimula na kaming maglakad pareho palapit sa altar naka ngiti lang kami papunta sa altar hanggang sa maka rating kami sa tapat ng altar at ilang minuto pa nag bigayan na kami ng wedding vows namin.




"I, Nathaniel Reyes take you Natalie Santos, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do us part." sabi ni nathan kaya napangiti ako.





"I, Natalie Santos take you Nathaniel Reyes to be my husband forever, Understand you, loving you, and be with you for richer, for poorer, for all the hard things, make you happy everyday, i will always by your side in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do us part" salita ko naman




Ilang minuto pa ang tinagal bago kami mag bigayan ng singsing sa isa't isa, nagsalita kaming muli habang sinosoot ang singsing sa isa't isa at ng matapos ay doon nya na itinaas ang wedding veil ko at unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya pumikit ako at doon ko naramdamang dumikit na ang labi nya sa labi ko nakarinig ako ng mga palakpakan ng mga tao at ng humilay na sya sa pagkakahalik sakin ay yinakap nya agad ako.








Were official Husband and Wife now i can't wait pa sa darating na blessings para saming dalawa ni nathan. Super saya ko, god knows how much I'm happy today and forever kasi binigyan nya ako ng lalaking mamahalin ako habang buhay.





Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang magkaroon ng masayang pamilya kasama si nathan at ng mga magiging anak namin in the near future.





I'm Natalie Santos who wanted to be a happy, and have a happy life until Nathaniel Reyes came, he feel me the way that i wanted to be, he always there when i need him, he never left me and he always say that 'I'LL BE THERE'  






                  THE END......♥

I'll Be There (Short Story)Where stories live. Discover now