Ang Hinirang

18 1 0
                                    

Hi po!!!
Long time no Update eh.✌

🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠

Sa Earth

"Jonas! Yung sinaing nga pakitingin kung kumukulo na!", sabi ni mama habang naliligo.

Hayss di ako marunong magsaing!!!

"Mama nagbabubbles siya!",sabi ko.

"Pakiawangan yung takip para di umapaw yung tubig!", mama.

"Okehhh!",  at lumabas ako ng bahay dahil nandoon ang lutuan namin para safe.

Tatanggalin ko na ang takip ng bigla akong napaso!

"Arayyy!", pabulong kong sigaw (diba astig pabulong na sigaw)

Biglang nagpatugtog yung kapitbahay ng T.A.N.G.A. ni Yeng

Chorus:
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.🎶🎶🎶

Me:(•ิ_•ิ)?

"Espiritu ng katangahan umalis ka sa akin!!!", sabi ko habang nakapraying position.

May pot holder pala ehh di ko na isip yun!😂

Ayy! Ako si Jonas P. Paloma 14 years old ummm discrete po akong gay at I wish I can fly😂😂😂. Grade 9 na ako at sa Rafaela Academy ako nag-aaral.
Si mama ay dating nagtututor sa mga bata kaso nga lang, nung nag asawa siya ulit di na siya pinagtrabaho. Yes may step father ako, driver ng jeep at may Step Siblings ako, isang babae at lalaki mabait silang lahat kaya go lang ng go!!

Pagkapasok ko ng bahay ay balita na pala.

News Caster: Mamayang 10:34 ng gabi ay may Limang Bulalakaw na tinawag ng mga experts na The Rainbows dahil sa Ibat ibang kulay nito na maaaring tumama sa Central Luzon, kasalukuyang nasa labas pa ng Mundo ang The Rainbows at bibihira lang itong mangyari sa panahong ito.

"Ma! May bulalakaw mamaya excited na ako!!!", sabi ko habang tumatalon talon.

"Anong excited eh paano kung tumama sa bahay natin yan?", sabi ni mama na namamangha ngunit natatakot na baka may masaktan sa pagbagsak ng bulalakaw.

Sabagay tama nga naman pero matagal ko ng pangarap na makakita nun eh (• 3 •).

Biglang dumating si Papa

"Pa! Bless po!", sabi ko at nagbless na kay papa.

Pag dumating na si Papa it means, kainan na!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

10:30 pm

Kasalukuyan kaming nasa higaan habang hinintay kong matulog silang lahat para makalabas ng bahay at masaksihan ang Phenomenon (naks English).

Sakto at 10:30 na at kakaunting minuto nalang.

Sabi sa Central Luzon daw at sa Bulacan kami so may chance na dito lumanding.

Lumabas ako ng bahay at malayo ang bahay namin sa pinakalabas ng eskinita kaya't walang taong nandito, malamang nasa labasan ang mga iyon.

Tumuntong ako sa mataas na bato upang makita ko manlang sa langit yung bulalakaw.

Bandang 10:33 nagpakita na ang mga bulalakaw, isang red, blue, pink, green at violet.

"Ang galing!", namamangha kong sabi.

Dumaan na ang mga bulalakaw at nawala na sa paningin ko.

Nanghihinayang ako at di ko manlang napicturan yun pero okay na rin kasi nasa isip ko na siya forever!!! Nagwish din ako na sana ay makalipad din ako someday tulad nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan na!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star Guardians BxB (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon