Ang Paghahanap

43 1 0
                                    

SA PLANETA NG MGA GUARDIANS

"Kailangan na nating makahanap ng isa pang bagong tagapagligtas sa mga natitirang bituin!!!", sabi ng isang magandang babae sa harap ng kaniyang nasasakupan.

"Opo mahal na reyna kakailanganin nating makapunta sa planeta ng mga tao upang mahanap natin ang isang nilalang na may busilak na loob at nagniningning na kabutihan upang gabayan ang iba.", sabi ng isang babaeng may hawak hawak na bolang krystal.

"Kung gayon, kailangan nating papuntahin ang apat na Tagabantay ng Bituin sa planetang iyon upang makahanap na sila.", sagot ng reyna ng kalawakan at umalis na sa pagpupulong. Naiwan na lamang ang kausap niya kanina at may tinawagan gamit ang kaniyang krystal at biglang may dumating na apat na magagandang kababaihan gamit ang kanilang kapangyarihang lumipad. Ang apat na tagapagbantay ng bituin. Ang kadahilanang kung bakit apat lang sa mundo nila ang kinukuha at isa sa Earth dahil malakas ang koneksyon nila doon at gusto nilang sumubok ng bagong tagapagbantay dahil malapit nang maubos ang dating limang tagapagbantay dahil may mga Dark Star (mga nilalang na may kakayahang wasakin ang mga bituin at kalaban ng mga Star Guardians) umuubos sa mga miyembro nito.

Unang Miyembro si Jade siya ay may mahaba at mapulang buhok na may kakayahang magpabagal ng oras. Ugali may pagkasutil ngunit mabait siya kung kakikalala mo na. May armas siyang baril nanag-iiba ang anyo sa isang boga(rocket launcher) may mga alaga siyang isang aso na may pakpak at pusa na may pakpak din na kapag nagsanib ay nagiging Leon na may pakpak na kayang pumatay ng nilalang.

Pangalawa si Ponny ang boyish sa kanilang apat may blue na buhok at medyo kaliitan sa kanila na may kakayahang gumawa ng barrier sa kaniyang paligid na nagbabawal sumugod sa kaniya. Ugali mapride. May armas siyang isang malaking maso na kayang patalsikin ang kalaban sa malayong lugar at shield na puwedeng ibato at bumabalik sa kaniya.

Ikatlo si Lumina isang cute na bata na may green na buhok na bunso sa apat na may kakayahang palakihin ang kakampi at gawing hayop na napakaamo ang kalaban. Ugali makulit minsan at isip bata kasi siya ang pinakabata. May armas siyang isang tungkod at ang alaga niya ay isang paru paro na may kakayahang proktektahan ang sarili at ang iba.

Pang apat si Joanna isang magandang babae na may purple na buhok na may kakayahang gamitin ang hangin para umatake, prumotekta at magpagaling. Ugali seryoso may pagkanerd kaso walang salamin at maganda siya. May armas siyang isang tungkod na mas mahaba at may alagang isang maliit na wolf na may mahabang tainga at buntot na kayang lumipad ng walang pak pak.

"Mga Guardians kailangan niyong pumuntang Earth at hanapin ang ikalimang miyembro. Kailangan niyong makibagay doon hanggat di niyo siya nahahanap. Puwede niyong hanapin ay isang lalaki o babae. Kailangan niyo ng makapunta sa lalong madaling panahon!!!", utos sa kanila ng tagapamahala sa paghahanap ng tagapagbantay.

"Opo!", sabay sabay na sabi ng tatlo maliban kay Jade.

"Jade!!!", sabi naman ng tagapamahala.

"Opo.", boring na sabi ni Jade.

Pagkatapos ng usapan ay nagtungo kaagad sila sa kanilang sasakyan na ang hitsura ay maliit na bilog na kasya bawat isang ito.

🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠

Star Guardians BxB (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon