Okay lang kung...
bullyhin ako
saktan ako
asarin ako
kulitin ako,
WAG LANG ANG LOVE FRANK
kasi mahina ako dyan
umaasa ako na totoo
dahil mahal rin kita
kahit na badboy ako
marinig ko lang
"I love you " mo
tumitino na ko
pero
mayamaya tatawa ka
tapos sasabihin mo
"Joke lang,haha na Love frank kita ulit"
_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=
BAdtrip >.< Baka grounded na naman ako neto. Bakit kasi may-ari pa kami ng school na pinapasukan ko eh,tuloy bantay-sarado ako.
'"Ano na naman kasing ginawa mo Nash? Bakit napatawag ka ulit sa guidance?"
Simple lang naman,dahil nag selos ako SAYO at sa kausap MO kanina na kala kayo na kaya hinagis ko ang upuan at sa kabutihang palad BOOM! may natamaan.
"Wala ka na dun"sabi ko sa kanya
"Bahala ka na nga basta I LOVE YOU"
Bigla akong napahinto sa pagkasabi niya non at humarap sa kanya
"Anong I love you?"sabi ko na kunwari ay. nagtataka pero HEAVEN mga dre.
"Naniwala ka naman? Frank love yun no ka ba"at saka sya naglakad palayo.
Tangna mo talaga Nash umasa ka pa kainis bakit kasi ang isang tulad ko na Badboy ng Aguas University ay lihim na may minamahal at sya ay si.......
Sharlene San Pedro
Siya, siya lang naman ang bestfriend ko at president ng councilor. Lahat ata ng lalaki sa AU ay magkakagusto sa KAGANDAHAN, KABAITAN at KAASTIGAN niya.Wala nang kulang pa sa kanya. AKO NA LANG
"Hoy Nash!!"sabi ni Kobi
"bakit?"
"Anobayan! kanina pa ako nagkwekwento dito. Di ka pala nakikinig"
nandito kasi kami ngayon sa garden
"Ano ba iyong sasabihin mo?"
"sabi ko kanina niligawan ni Jairus Aquino yung pres. natin si Sharlene"
"WHAT THE FVCK!"
"EASY bro "
**
kakatapos lang ng recess pero ayoko pang bumalik. Si kobi naman umalis na.
Kaya nilibas ko yung cellphone ko at yung earphone ko saka nag soundtrip habang nakahiga sa garden.
(I'll Be by Ed Mccain )
Nabigla ako nang humina ang tunog at nakita ko ang babae na pinakamamahal ko na nakapikit na parang anghel.
