Mahal kita at alam kong mahal mo rin ako
pero bakit ganun?
Ayaw mong maging tayo
Gusto mo maging kami
Pero sabi ko nuon
"Ikaw ang mahal ko pero bakit pinagtutulakan mo ko saiba?"
ang sagot mo,
"dahil mas importante ang kaibigan ko "
nasaktan ako sa sinabi mo
Pero bakit sa akin mas importante ka kesa sa kaibigan at pamilya ko.
וו|וו|וו|וו|וו|וו|וו|וו|וו|וו|
Papunta na ako sa bulletin board nuon para malaman kung anong section ko
"Tulip".yan ang sabi NATIN, kaya tumingin ako sayo.
Napatulala ako dahil sa kagandahan mo pero bigla akong natauhan nung nagsalita ka
"Amm hi classmate,sabay na tayo"
'o-ok"sabi ko na pautal-utal pa.
papunta na tayo sa classroom .Pagpasok natin, nakita ko yung iba nating kaklase at yung iba classmate ko dati.
"Pre musta na?"sabi sakin nung isa kong kaklase
"ok lang"
"tabi tayo "alok nya
"sige ba pero-"aalokin din sana kita na tabi tayo pero wala ka na pala umupo ka na pala.
umupo na ako sa tabi nung kaklase ko.
Tinignan kita,tapos may sinabi si Mam
"Sino nga ba dito yung may average na 93.00"at bigla kang nagtaas
woahh!!ikaw na talaga, nasayo na lahat.
Nagelection nuon ikaw ang inatasan para mamuno. Hindi ikaw ang naging presidente pero nakangiti ka pa rin.
Balak ko sanang ielect ka as muse kaso biglang nagtaas si Mam.
"I nominate Sharlene as treasurer"then lahat nagtaas sayo kung baga majority.
pabow na sana ako nang biglang may nagnominate sa kin. Tinignan ko kung anong position at sa kamalasmalasan nga naman oo.Escort pa.
Sa huli, naging escort ako at ang muse ay si Alexa ata yun Alexa ilacad ata basta ewan.
Sana kasi ikaw na lang yung muse eh.
Pagkatapos nagkaroon kami ng introduce yourself at ako ang una.
"Hi-"Napahinto ako dahil biglang nagsigawan yung mga kaklase kong babae pero ikaw hindi
"Nash Aguas, 15years old.That's all "
tapos umupo na ako.Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila,siya lang naman hinihintay ko.
"Sharlene San Pedro, 15 years of age. Hope we can be friends ^_^"
Sabi mo.
Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sayo.
Kasalukuyan ka ngayong nagsusulat,ang sipag mo talaga. Ilang araw pa lang kitang nakilala pero iba na ang nararamdaman ko sayo..
"Tinititigan mo na naman sya"
sabi ng katabi ko
"Ganda nya kasi eh,tulungan mo naman akong maging close sya "