She's the Bridge

120 3 0
                                    

She’s the Bridge – One Shot Story

Like any other person na makapasok sa isang kilala at pangmayaman ng eskwelahan ay dapat pag-igihin ang pagaaral nito. Marami akong sikat na kaibigan at kaklase dahil na rin sa implewensya ng kanilang pamilya. Popularity. Ito ang gusto ng karamihan at ako na isang hamak na average ordinary student whose father is working in the school, gusto ko rin maging popular. Hindi naman ako maganda. Hindi naman ako mayaman pero kilala ako ng mga estudyante dito. Why? Simple because I’m the “Bridge”. I connect people’s lives at lovelife ang forte ko. Una kong nadiscover ito nung grade 3 ako.

Absent ako for the past 3 days dahil sa lagnat and I have submit a math homework. Nung pinasa ko na sa teacher ko yung notebook ko ay si Leandro ang pinacheck nito. Sobrang kinikilig ako dahil crush ko si Leandro. Ng binalik na sa akin ang notebook, nakita ko ang number 10 in red pen at nakasulat pa ang “Very Good.” Two words pero ang saya saya ko talaga. The next day, nagkaroon kami ng seating arrangement and guess what, naging seatmates kami ni Leandro.

“Uy, seatmates pala tayo.” Sabi ni Leandro.

“Oo nga pala eh.”

“So please take care of me ah.” At nagshake hands kami. Kung pwede lang sana hindi ko na lang hugasan yung kamay ko, ginawa ko na. Sobrang kinikilig at ang saya saya ko. For the past days, sobrang naging close kami ni Leandro until one time may nagiba.

“’Di ba friend mo si Diane?”

“Oo. Bakit?”

“Favor naman, okay lang ba na tulungan mo kaming maging close? Crush ko si Diane eh. I mean, if it’s okay sayo.” Kahit anong favour gagawin ko sa iyo Leandro pero ang sakit naman nito. Daig ko pa ang nasagasan ng tren at tumalsik ng pakalayo layo dahil sa pagbangga sa bus.

“Uhm. Sige. Ikaw pa.” sabi ko sabay ng pilit na ngiti. Grabe. Hindi pa ako nagtatapat, basted na ako.

“Talaga. Wow. Thank you pala. Tama pala na ikaw ang naging seatmate ko.”

During lunch, habang naglalaro kami, niyaya ko si Leandro na sumali sa amin.

“Diane, sasali daw si Leandro. Gusto niya kasing makipaglaro sa iyo.” Ito namang si Diane, namumula at mukhang nahihiya pa.

“Ah. Sige. Ikaw ang taya ah.” At ayun na nga, tumakbo na silang dalawa at masayang nakikipaglaro sa isa’t-isa.

“Ikaw kasi eh, bakit mo pa siya tinulungan. Ikaw tuloy ang nasasaktan.” Pilit kong pinipigil ang pagbagsak ng luha sa aking mata habang kinocomfort ako ng aking bestfriend. Si Eric. Anak ng may-ari ng school at ang tanging lalaking close ko. “Wag mo na siyang pagaksayahin. Andito na lang ako.” Pinagmasdan ko na lang si Leandro at Diane habang tuwang tuwa sa isa’t isa.

Hindi naglaon naging sobrang close na sila. Kinakantyawan pa nga sila ng mga classmates naming and sooner naging sila na. Ang sakit talaga. First heartbreak ko si Leandro.

Grade 5, may bago naman ulit akong crush. Si JC. Matangkad, funny, smart at chinito.

“Uy, sali kayo sa amin ah!” pagaanyaya ni JC sa amin.

“Oh sige ba.” Sagot ni Eric. “Narinig mo Lenny, Sali tayo ah.” Napatingin naman nila ako sa kanila. Kanina ko pa iniiwasan si JC, para akong natatameme tuwing andyan siya.

“Ah..eh.. kasi..”

“Sige na Lenny, magtatampo ako pag hindi ka sumali.” Nagpout naman itong JC kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango. Sobrang pinipigilan ko talaga yung sarili ko. Every time na nakikita ko si JC, natutulala ako. Sobrang kabog ng dibdib ko pagmagkasama kami. Minsan nga eh, na zero ako sa isang quiz naming dahil nakatingin lang ako sa kanyan the whole time.

She's the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon