Kamusta mahal balita ko may iba ka na
Di ko mang kayang sabihin sayo pero mahal parin kita
Pero ilang taon na ang lumipas siguro nakalimutan mo na ako
Pero ako di ko parin makalimutan yung sakit na pinadama mo
Nakatatak sa puso ko parang super glue na mighty bond
Di mo alam kung gano mo ako napasaya nung tayoy nag holding hands
Pero lahat ng yun wala na tapos na
Siguro di na dapat ako umasa at nag hihintay pa
Yan ang sabi ng utak pero sinusunod parin ang puso
Kailan pa kaya ako ma tauhan siguro pag ako ay natusok
Natusok at namulat sa realidad na ikay wala na
Di ko lang siguro kayang tanggapin na di tayo pwede sa isa't isa
Maraming katanungan pa ang hindi pa nasasagot
Di naman sa nag dedemand ako pero bakit parang ikay nagdadamot
Mahirap ba sabihin na nagkamali ako?
Mahirap ba na pagsalitaan ako ng totoo?
Gusto ko na malaman ang katotohanan putang ina ko
Ginawa kong tanga ang sarili ko ka hihintay sa iyo
Pero sa akin ay ayos lang wala akong karapatan magalit
Ako na nga ay may kasalanan ako pa yung nag tatanong ng bakit