In My Heart

6 0 0
                                    

Series 1: On Going

"In My Heart"


"Stop fooling around Dana! Nahuli na kita tapos magdedeny kapa?!" halos magmakaawa na ako kay Anton. Wala naman akong naaalalang ginawang masama tapos lagi niyang sinasabi na I should stop fooling him.

"Anton please. Let me explain, It's been five days since nakita mo kaming magkasama. Wala naman kaming ginagawang masama! Please Anton don't leave me" pagmamakaawa ko sakanya pero parang wala siyang naririnig "I-I love y-you p-please" niyakap ko siya patalikod at sinandal yung ulo ko sa likod niya pero tinanggal niya lang yung kamay ko at humarap siya sakin.

Naramdaman ko nalang yung damo sa likod ko. Tinulak niya ako

"You can't ease the pain by saying sorry to me Dana" Humagulhol na ako at wala na akong pakialam sa mga nakakakita samin. Pinaguusapan na kami ng mga tao dito sa harap ng bahay nila.

"Maybe forever doesn't exist to our lovestory. Sorry Dana pero hindi ko matatanggap yang explanation mo" Yan yung mga huling salita na binitawan niya. Iniwan niya akong luhaan.

Masakit. Wala akong ginawang masama pero bakit ako pa yung mali? Kasama ko lang yung boy best friend ko pero isa siyang kaibigan. Masakit sa pakiramdam na yung tatlo at kalahati naming pagsasama ay itatapon niya lang ng ganun ganun lang.

Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan dahan na tumayo. Para akong tangang naglalakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masakit talaga eh, wala naman akong ginagawang masama pero hinusgahan niya ako.

Bakit ang daming mapanghusgang tao? Bakit hindi muna nila inaalam ang mga bagay bagay bago manghusga? Bakit ang sakit sakit maiwan ng hindi niya man lang inaalam ang katotohanan?

Ganito ba talaga ang buhay?

May mga taong darating tapos kapag nagsawa iiwan ka lang ng luhaan. May bumabalik at iiwan ka rin, May maiiwan at mag isa ka nalang habambuhay.

Ganito ba kahirap magmahal?Masaktan?Maiwan?Mapaghusgahan? Sana naman inimform niya ako para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Edi sana kaya ko pang ihandle ang nararamdaman ko at iiwas ang puso ko na masaktan.

Now I know Love is happy at first but in the end it's painful.

---------------

"In My Heart" by Jessycachu.

In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon