Dana's POVIt's been three days since he left me. Hindi ko lubos maisip na yung tatlong taong pagsasama namin tinapon niya ng ganun ganun lang.
Bakit kailangang husgahan niya ako? Bakit kailangang ipahiya niya pa ako? Bakit kailangang iwanan niya ako? Bakit kailangang mangyari pa yun? Bakit kailangang magselos pa siya?
Ang daming tanong na hindi ko man lang masagot. Ang hirap hanapin ang sagot sobrang sakit!
Napatingin ako sa picture namin. Sobrang Saya pa namin, Ito pa yung hindi niya pinagseselosan ang kaibigan ko. Sobrang nakakadown ang nangyari.
"Bakit kasi ang bilis niya magalit?!" Tanong ko sa sarili ko. Ano bang meron sakin bakit lahat nalang ng taong nasa paligid ko hinuhusgahan ako ng hindi man lang inaalam ang lahat?
Tumayo nalang ako at nag ayos ng sarili. "Sisiguraduhin kong mag aayos tayo ngayon" lumabas akong bahay at nagpuntang bahay nina Anton.
Walking distance lang naman ang bahay nila kaya naglakad nalang ako.
Pagdating ko sa bahay nila sobrang tahimik at nakabukas ang pintuan nila. Dali dali akong pumasok dahil kilala naman na ako dito.
"Anton" nag aalangan kong bungad sa loob ng bahay. Walang sumagot baka nasa kwarto niya kaya agad akong nagtungo sa kwarto niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto niya.
"Wala naba talaga kayo babe" Boses babae yun ah.
At tuluyan na bumungad sakin ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko na masayang magkayap
Si Anton at Maria.Halo halong emosyon ang bumalot sakin.
Bakit sila magkasama? Bakit sila magkayakap? Ano to?
"Oo naman ako paba?" Tugon ni Anton kay Maria ng natatawa. "Sawakas I love you babe" hinalikan ni Maria si Anton na parang wala ng bukas.
Nanghihina ako, napaupo ako dahilan para gumawa ng ingay kaya napatingin sila sa pintuan.
"d-dana?" Bungad ni Anton sakin.
Tumulo na ang luha ko. "K-Kailan niyo pa ako n-niloloko?" Tanong ko pero walang sumagot. Tumayo silang dalawa. Tumayo din ako at lumapit sakanila
"Pinagkatiwalaan kitang gago ka maria pero ito ang igaganti mo sakin?!" Nanghihina kong sabi at pinagsasampal siya pero nilayo ako ni Anton.
"ISA KA PA HINDI KANA NAKUNTENTO KAIBIGAN KO PA!!" pinagpapalo ko si Anton pero sinampal niya ako. Tangina!
"Kasalanan mo din kung bakit kita pinagpalit" galit at dinuro duro pa ako "mag iisang taon na kami ni Anton at Mahal namin ang isa't isa!" Singit ni Maria samin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sakanila.
Umayos ako ng tayo at tinanggal yung kwintas na bigay ni Anton at binato sakanya. "Tangina niyo sagad! Ang sagwa niyo!" Nagtungo na ako sa labas. Galit ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ako? Bakit ang sakit? Bakit kailangang gawin Nila sakin yun? Anong ginawa ko sakanila?
Muling tumulo yung luha ko at sumakay papuntang sementeryo. Wala akong ibang mapupuntahan. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Tanga. Ako yun sobrang Tanga ko nahulog ako sa patibong nilang dalawa. Sobrang Tanga ko na nagpaniwala sa kabaitan ng babaeng Yun. Sa sobrang Tanga ko Na kahit sinasaktan na ako ng harap Harapan patuloy ko parin siyang minahal.
Ang daya nila.
Nakarating akong sementeryo. Napatingin ako sa taas sobrang dilim "Mukhang dadamayan mo ako ngayon" naglakad ako patungong puntod ng aking ama.
"Daddy" mangiyak iyak kong bungad sakanya. Tanginang luha naman to ayaw tumigil. "Niloko nila ako daddy bakit kailangang mangyari sakin to" pinunasan ko yung luha ko "daddy siguro pag buhay kapa at nakakasama ako hindi ka papayag na ginaganun ako" nakakapanghinayang pero kailangan kong maging matapang.
Pumapatak na yung ulan pero hindi ako sumilong. Nanatili akong nakatayo sa harap ng puntod ni daddy. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko napakatanga kong tao.
-----------------
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
In My Heart
Teen Fiction"There are so many ways to be brave in this world. Sometimes you have to choose between a bunch of wrong choices and no right ones. They always say time changes things, but you have to change them yourself. Love takes two people with totally differ...