♥ From Crush To Love ♥

933 43 14
                                    

A/N: wala ulit pasok.. ahaha.. update ulit.. kahit hindi matino.. wahahaha.. maraming salamat po.. ^___^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sis, ano?" tanong ko kay Chloe.. Kakambal ko si Chloe.."Okay na ba? Maganda na ba ako?" nagpa-ikot-ikot pa ako para makita niya ang kabuuan ko.. Nasa kwarto ko kami ngayon.. Naghahanda para sa first ever date ko.. 

"Maganda ka na." nakangiting sabi ni Chloe.. "Manang-mana ka talaga sa akin." 

"Oo naman noh." sabay tawa naming dalawa.. Shete! Kinakabahan ako.. May date ako.. Ang ka-date ko? Ang tanging lalaki lang naman na minamahal ko.. Si Marcus.. Ang pasaway ngunit gwapong schoolmate ko.. Inaya niya ako mag-date.. Akalain ninyo yun?

*flashback*

"Hoy! Nathalie." sigaw ng kung sino sa akin.. Nang lingunin ko.. Nanlaki lang naman ang mga mata ko.. Sino ang tumawag sa akin? Si Marcus! Ang lalaking iniirog ko.. Lumapit siya sa akin at may inabot na isang kapirasong papel. Sabay alis.. 

 "Ano 'to?" takang tanong ko.. Habang tinitingnan ang papel.. 

 "Buksan mo na nga. Para malaman natin." sabi ng kapatid kong si Chloe..

 "Sige." binuksan ko na nga ang papel.. Nanlaki lalo ang aking mga mata ng mabasa ko ang nakasulat sa papel.. 

 " Wear your most beautiful dress. I'll see you at Conrad's Restaurant. 8pm tonight. It's a date. And don't be late." sabi ng sulat.. 

 "Kyaaaaaaaaaaaahhh." tili naman ni Chloe.. "Ide-date ka ni Marcus!" napatingin tuloy ang ibang estudyante sa lakas ng tili niya.. 

 "Sshhh." bigla kong tinakpan ang bibig niya.. Grabe lang.. Ang sama na kasi ng tingin sa amin ng ibang mga girls na may gusto kay Marcus.. 

"Mjkaehniruhwcer4fgwciu." pilit niyang pagsasalita.. 

 "Wag ka ngang sumigaw." sabi ko ng tanggalin ko ang kamay ko sa bibig niya.. "Pinagtitinginan na tayo oh." nahihiya kong sabi..

 "So what, Sister. Mamatay sila sa inggit." maarteng sabi niya na inirapan pa talaga ng ilang girls na masama na ang tingin sa amin.. "Imagine! Marcus Saavedra, the campus hearthrob.. Ide-date ka. Kyaaaaaaaaaaaaahhhh." tili niyang muli.. 

 Grabe lang talaga 'tong kakambal ko.. Mas kinikilig pa sa akin ih.. "Pupunta ba ako?" bulong ko sa kanya.. Agaw-atensyon na talaga kasi kami.. 

 "Of course, Sister. You have to. It's your time to shine." nakangiting sabi niya.. "Tara na nga." aya niya sa akin at hinila na ako patayo.. "Kailangan mo magpaganda." 

 "Teka, Chloe." hila-hila pa rin niya ako.. Wala na akong nagawa kundi magpatiayon sa gusto niya.. 

 *end of flashback*

"Manang mana ka talaga sa akin." puri pa rin ni Chloe.. 

 "Kinakabahan ako." sabi ko.. Hindi talaga ako mapakali.. 

 "Relax lang, Sis." pagpapakalma sa akin ni Chloe..

 "Para saan ba kasi 'to?" tanong ko.. 

♥ From Crush To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon