"SANAY NA"

407 8 0
                                    

Darating sa puntong nasanay ka na, nasanay ka ng wala siyang oras para sayo kasi nga hindi ka na mahalaga.

Hindi ka na mahalaga dahil iba na ang pinahahalagahan nya.

Yung tipong kahit katiting ng luha wala ng papatak sayong mga mata sapagkat ika'y sanay na.

Sanay na sa mga kasalanang nagawa na nya at inuulit-ulit pa. Sanay na sa mga kasinungalingan na paulit-ulit mong inintindi pero sadyang di mo na kaya.

Sanay na sa mga pananakit na ginagawa niya na sa tingin niya ay ikasasaya mo pa. Sa mga oras na nandyan ka pero pinaparamdam nyang kulang ka pa.

Mga patalim na tumutusok sayong dibdib ay naglaho na, sapagkat ikaw ay nagbago na. Nagbago na dahil sa sanay ka na sa paulit-ulit na dahilan na hindi mo alam kung tama pa ba.

Nagbago na dahil kahit mahal mo siya kung sobra na, pakiusap tama na. Tama na dahil ako'y pagod na, pagod na sa mga paulit-ulit mong nagawa na tila'y parang sirang plaka.

Tama na dahil ako'y sanay na, sanay na sa mga bagay bagay na paulit-ulit mong ginagawa at tila ba'y ika'y nasisiyahan pa

tama na dahil ako'y nasasaktan na sa mga sinasabi mong hindi ko alam kung sa akin lang ba. Tama na dahil ang sakit sakit na ng puso kong ikaw lang ang minahal at wala ng iba.

Kaya mahal patawad, patawad kung sa mga oras na ito ako'y susuko na, susuko na hindi dahil sa hindi ka na mahal kundi dahil sa ako'y pagod na.

Patawad kung sa oras na ito ay pipiliin kong ika'y palayain na hindi dahil sa gusto ko lang kundi dahil sa ayoko na

Patawad dahil ako'y natuto na dahil tulad ng paulit-ulit na sinabi ko gaya ng paulit-ulit mong ginagawa, ako'y sanay na.

Spoken Word Poetry (PAALAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon