Vhriey: 1

3.9K 80 2
                                    

Napapikit ako ng mata ko pagkapasok ko sa gate at sinara ko na. Huminto muna ako at inikot ikot ang leeg ko. Nakakapagud ngayun na araw. Mas nadagdag pa ang masama ang pakiramdam ko.

Dumiretso ako pumasok sa sala. Nakita ko si mom busy sa panunuod ng tv while si dad nakaupo rin sa pang isahan na couch.

"Hi mom, dad dito na ako"  

Sabay lapit ko kay  dad para halikan siya sa pisngi niya pero umiwas lang siya. Tumayo narin ako at nilapitan si dad para halikan sa pisngi. Pero tinaas lang niya ang isang kamay niya na wag nalang.

I sigh kailan pa ba ako masasanay na ganito sila sakin., tinungo ko ang kusina at kumuha ng malamig na tubig pagkatapos ininom ko. Hinugasan ko ang baso na ginamit ko at bumalik ulit sa sala para kunin ang gamit ko.

"Akyat muna ako  dad"   paalam ko sa kanya. Dali dali akong umakyat sa hagdan ng napahinto ako at napalingun sa tumawag sakin.

"Vhriey" 

Tawag ni dad sakin. Seryoso parin siya nakatingin sa tv. "Umupo ka muna"  malamig niyang sabi sakin.

Umupo ako sa unahan ni mom. "Ligpitin muna ang lahat ng gamit mo"   agad ako napalingun kay dad. Hindi ko inasahan ito ang sasabihin niya sakin.

"Dad, kung tungkol ma-*"  hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si mom.

"Wala kang karapatan para magreklamo Vhriey." 

May halong inis ang pagkasabi niya sakin. Napamaang ang bibig ko at natulala sandali sa narinig ko.

"Dad joke lang ba ito? Na papalayasin mo na ako dito sa ba-bahay?" 

Nilakasan ko na ang loob ko para sabihin sa kanila ang ganun na salita.

"May malaki tayong utang sa Calderon Vhriey at ikaw ang kapalit sa halaga na yun" 

Parang nawala ako sa sarili ko sa narinig ko. Sarili nilang anak nagawa nila akong ibenta.  Napalingun ako sa tatlong maleta nasa gilid.

"Hindi na niya kailangan magligpit Rolando. Tapos ko na niligpit lahat ng gamit niya"  nakangisi nitong sabi sakin.

"Pe-pero dad"  wala na akong nasabi dahil naunahan na ako ng kaba at takot sa mangyayari sakin.

"Ayaw mo? Makakatulong ka pa sa pamilya natin" 

Napalingun ako sa kapapasok lang si Sophie ang kapatid ko. Nakangising nakatingin sakin.

"And finally mawawala ka narin dito sa pamamahay namin Vhriey. Alam mo ba ito yung panahon na hinintay ko"   nakangisi niyang sabi at nilagpasan ako. Tiningnan ko si Dad at mom. Mukhang hindi na ako kasali dito sa pamilya nila kaya no choice na ako.

"Wag kang umiyak hindi bagay sayo"   at umakyat na sa taas si Sophie.

"Hindi ko alam binenta niyo na pala ako sa ibang tao na hindi ko kakilala. Dad, mom. Sana sa pagbenta niyo sakin sa malaking halaga sapat na yun para sa kaligayahan niyo."   Tumayo na ako at hinila ko na ang maleta palabas sa bahay.

Napatayo ako bigla at napahawak sa pisngi ko ang pagsampal sakin ni mom. Ilang beses na ba niya itong ginawa sakin?.

Hinatid ako ni dad sa malaking bahay. Siguro mga three or two story ang bahay. Bumaba na ako kasunod kay dad. Malaking bahay ang bumungad sakin. Hindi lang basta basta na malaking bahay. I guess inukupa nila ang isang hektarya ng lupa. At sa gilid may swimming pool.

Nagdoorbell si dad maya maya pa bumukas na ang gate. "Pasok kayo sir"  i guess maid siya dito. Pumasok kami at sumunod sa kanya. Binuksan niya ang malaking pinto.

VHRIEY: Sold to Unknown and Secretly Married Where stories live. Discover now