Vhriey: 4

1.1K 52 0
                                    

Vhriey pov 

Pagkarating ko sa coffee shop agad ako nagsuot ng apron ko na color brown. Tinali ko ang buhok ko into messy bun hair pagkatapos lumabas na ako sa locker room at tulungan ang mga kasama ko.

Apat lang kami dito. Bale nasa twenty five kaming lahat na empleyedo dito sa coffee shop. Ang iba nasa ibang branch naassign kaya apat lang kami dito.

Kinuha ko ang nagamit ng mga customer sa lamesa. Nililigpit ko at nilagay ko sa tray pagkatapos pinunasan ko ang lamesa. Para sa mga next na customer. Dinala ko yun sa kusina para hugasan ng tagahugas namin.

Sunod sunod yung ginawa ko. Ng matapos ko na lahat napatingin ako sa glass door bumukas may apat na lalaki pumasok look like familiar sila sakin umupo sila sa pang apat na upuan. Tumayo ulit ang dalawa at pumunta dito sa counter.

"Oh my ghad Vhriey ang gwapo nila"  kalabit sakin ni Jenny nasa gilid ko ngayun nakatayo.

"At papunta sila dito"  dagdag niya pa. Nilingun ko si Jenny.

"Kilala mo?" 

Tanung ko sa kanya na nakakunot ang noo ko. Inangat niya ang tingin sakin. "Yung dalawa lang pero yung dalawa hindi eh"

Napatango ako sa sagut niya.

"Miss apat na coffee please, yung americano ang isa,"  tumango ako at ginawa ko na ang coffee nila na order.

Ng matapos ko binigay sa kanila pumili yung kasamahan niya sa coffee.

Napatingin ako ng tanggalin niya ang sunglasses niya.

Kinuha ni Jenny yung order nila partner sa coffee nila. Nilingun niya ako at nagsalubong ang dalawang kilay niya ng makita ako.

Ngumiti ako as customer namin sila. Binayaran nila ang order at dinala na ni Jenny sa table nila ng lumingun si Tyron.

"I'm sorry miss pero pwedeng siya magdala?"  Sabay turo sakin.

Tiningnan ako ni Jenny na alanganin kung okay lang ba. Ngumiti ako. "Okay lang"  sagut ko sa kanya. Dinala ko ang order nila sa lamesa nila at isa isang nilapag sa harapan nila ang coffee at ang pagkain.

Inangat ng kasamahan nila ang tingin sakin. Napataas ang isang kilay nung isa at ngumiti sakin. Ningitian ko rin.

"Thank you sir, enjoy!" 

Saka tinalikuran ko na sila at bumalik na sa counter. Kinalabit ako ni Jenny.

"Yung isa kasi nilang kasama yung gwapo siya si Tyron David Calderon."  Tumango lang ako sa sinabi ni Jenny sakin.

Pagkatapos nilang kumain umalis narin sila. Pagkatapos sa shift ko umuwi narin ako. Nakakapagud galing sa eskwelahan pagkatapos dumiretso sa trabaho. Pagkababa ko sa tricycle may nakita akong kotse nakapark sa gilid.

'Baka bisita lang'  sabi ko sa sarili ko. Ng makita ko si Manong driver lumabas galing sa loob ng kotse.

"Senyorita, mag impake ka na ho"  nakangiti niyang sabi sakin ng makalapit ako.

"Bakit? Manong pinapalayas na ba ako ng boss mo?"

"Pakisabi naman maghahanap pa ako ng bahay na malilipatan ko"  pinapalayas na niya ako? Wala naman akong kasalanan sa kanya.

Ngumiti si manong driver sakin. "Hindi ka naman ho pinalayas ni senyorito basta lang ho malalaman niyo nalang"  sagut niya.

"Sige ho sandali lang maglipit lang ho ako" 

Dali dali akong pumasok sa bahay at nagligpit sa gamit ko pagkatapos lumabas na ako. Tinulungan ako ni manong sa paglagay sa gamit ko sa compartment ng kotse ng matapos na sumakay na kami sa kotse at umalis na.

"Manong saan pala tayo pupunta?" 

Nasa daan lang ang tingin niya.

"Sa malaking bahay"  sagut ni manong ni driver.

"Ah ganun ba. Matagal na ho ba kayo sa kanila?" Tanung ko sa kay manong driver.

"Matagal na ma'am"  sagut niya. Minutes after pumasok kami sa isang high end subdivision. Niliko niya ang kotse meron kaming dinaanan na apat na bahay at hininto niya ang kotse sa isang itim na color sa gate. May pinindot siya sa gitna pagkatapos nag open ang gate. 

Pagkapasok namin bumaba agad ako sa kotse at tiningala ang dalawang palapag ng bahay.

"Ma'am tara na ho" 

Tumango ako kay manong driver at sumunod sa kanya. Bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang malaking bahay at ang nasa loob nito. 

"Magandang gabi ho ma'am"  napalingun ako sa babaeng bigla lumitaw at nagsalita sa di kalayuan namin nakasuot ng pangtulog.

"Oh Maring andito na yung gamit ni ma'am ikaw na bahala alis na ako"  paalam ni manong driver samin.

"Sandali lang ma'am ihatid ko lang ang gamit mo sa kwarto mo"  sabay bitbit niya sa maleta ko at paakyat ng hagdanan.

"Sige na hija matulog ka na, tara samaha kita sa kwarto mo."  Sabi ni Manang.

"Mang Rolando pwede na kayong umuwi. May mga kamay naman siya." 

Napaangat kami ng tingin sa gitna ng hagdanan nakatayo siya sa gitna at nagpatuloy sa pagbaba.

At dire ditetso lang siya papunta sa kusina. Lumingun sakin si manong driver at si manang maring.

"Okay lang ho manong, pwede na kayong umuwi malalim na ang gabi. Ingat sa byahe"  at ngumiti ako. Bumaba siya ulit at nagpaalam pagkatapos umalis na.

"Sigurado ka ba hija? Kaya mo yan?"  Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Wag mo nalang pansinin na batang yun. Mainit yata ang ulo nun"  paumanhin ni manang at nsgsimula na kami umakyat sa hagdanan at hila hila ko ang dalawang maleta ko.

Pagkarating namin sa taas tinuro sakin ni manang ang magiging kwarto ko.

"Manang, bukas itour mo siya sa buong bahay para malalaman niya ang gagawin. At beside's ang pagtira mo sa bahay ko hindi libre may bayad. Pwede kang maglinis na kahit anu basta may bakante kang oras. Para hindi masasayang ang pagtira mo dito sakin." 

Saka pumasok sa kwarto niya. Napatingin ako kay manang at binigyan ko siya ng ngiti para makasiguro na okay lang ako. Umalis naman siya. Pumasok narin ako sa loob ng kwarto at sinara ko ang pinto.

Napapikit ako at napahinga ng malalim. Umupo ako sahig.

Tinaas ko ang tuhod ko at nilagay ko ang mukha ko sa ibabaw ng tuhod ko.

'Hanggang kailan ako magiging ganito?'   Sabi ko sa sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VHRIEY: Sold to Unknown and Secretly Married Where stories live. Discover now