Simula

112 13 5
                                    








Alas sinco na nang abutan ng dilim habang naglalakad si Skade. Gumawa kasi sila ng pangkatang proyekto kung kayat siya ay ginabi na sa pag-uwi.

"Naku! Anong oras na siguradong hinahanap na 'ko?",bulong niya sa sarili ng huminto sa may kanto.

"Ang tagal naman ng dyip",reklamo niya at biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Napangiti siya ng makita ang pangalan ng kaibigan na naka rehistro sa kanyang cellphone.

"Oh, Kelvin napatawag ka",bungad ni Skade sa tawag habang nag-aabang ng masasakyan.

"Grabe buong pangalan ko talaga? Bilisan mo, inaantay ka namin dito. Ikaw na lang kulang sa mga unggoy",ngisi ni Kelvin sa kabilang linya.

"Oh sige na pauwi na 'ko. Bye",ngiti ni Skade saka pinutol ang tawag.

"Ang sayang umuwi kapag alam mong may naghihintay sa 'yo",bulong niya sa isipan.

Hindi nagtagal ay may jeep na siyang nakita.

"Paraaa!",huminto ang jeep at siya ay agad sumakay.

Medyo punuan ang sakay ng jeep kaya napausog ang lahat para magbigay ng espasyo sa kanya at dali-daling umupo si Skade.

Napatingin siya sa isang matandang babae na may kulay itim na balabal sa leeg habang ito ay nakayuko. Agad din siyang umiwas ng tingin.

"Bayad po",abot ni Skade ng pera sa manong tsuper at may biglang kumabig sa kamay niya at napatingin siya.

"Ninang Lenn",bati niya sa ginang at saka nagmano.

"Ako na ang magbabayad. Teka bakit mag-isa ka lang?",sabay abot ng bayad ng ginang saka humarap kay Skade.

Magkatapat lang ng upuan sina Skade at ang ginang kaya sila ay nagkwentuhan.

Napasulyap naman si Skade sa batang babae na natutulog ng mahimbing sa tabi ng ninang niya.

"Ang cute naman ng anak ni Ninang Lenn",bulong niya sa sarili habang isinandal niya ang likod.

Saglit na sumulyap siya sa labas ng bintana.

Yumuko si Skade at niyakap ang bag. Nakaramdam siya ng antok at hindi nagtagal siya ay nakaidlip.

"Snzz... snzz... snzz... "

Biglang tumunog ang cellphone ni niya at siya ay nagulat ng magising.

Napalinga kaagad siya sa paligid at medyo napayuko dahil sa pagkaramdam ng hiya. Napatingin kasi ang lahat ng sakay ng jeep kay Skade.Akala kasi ng iba ay kung ano na ang nangyari sa dalaga dahil sa pagkagulantang nito.

"Shit! Nakakahiya",kagat niya sa ibabang labi saka agad na nilabas ang cellphone sa bag na yakap-yakap niya.

From: Mama

Skade nasaan ka na ba? Nakauwi ka na ba?!

Pagkabasa ni Skade ay kaagad siyang nag-reply.

To:Mama

Don't worry mama pauwi na po ako.

Pagkatapos ay kaagad niyang itinago ang cellphone sa bag.

Sadyang mapag-alala talaga ang ina ni Skade dahil na rin sa pagiging lapitin sa disgrasya ang anak.

"Para!",ani Skade at huminto ang jeep. Nagpaalam muna siya sa Ninang Tess niya.

Napatingin naman siya sa matandang babae na tila nangungusap ang mga mata.

"Hija mag-ingat ka...",sulyap ng matandang babae sa kanya habang nandudumilat ang mga mata.

Hindi maipaliwanag ni Skade ang kakaibang pakiramdam na nagpatindig balahibo sa sinabi ng matanda na para bang nagbababala.

Kaagad na nag-iwas ng tingin si Skade at saka bumaba ng jeep.

"Sino ba 'yung matanda na 'yon?",sa isip-isip niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakaramdam siya ng presenya sa kanyang likuran at pagtalikod niya...

"Shucks! Akala ko naman kung sino na. Ikaw lang pala",sapo niya sa noo habang nakatingin sa batang babae na kasama ng Ninang Tess niya sa jeep kanina.

"Teka bakit sumunod ka sakin? Nasaan si Ninang Lenn?",tanong ni Skade sa bata habang nasa gilid sila ng kalsada.

"Naiwan niya po ako",paiyak na sagot nito.

"Saglit lang, 'wag kang mag-alala tatawagan ko lang mama mo",pagpapakalma ni Skade sa bata.

"Ano ba naman si Ninang Lenn,sariling anak naiwan pa",iling niya habang dina-dial ang numero ng ginang.

"Oh Skade? Napatawag ka?",sagot ng ginang sa linya.

"Ah kasi Ninang Tess 'yung anak niyo po kasi ah---"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Skade ng biglang magsalita ang ginang sa kabilang linya.

"A-anak?! Skade mag-iisang taon ng patay ang anak ko sa katunayan death anniversary ni Angela ngayon"

"P-po? "

Nakaramdam ng panlalamig at pagtindig ng balahibo si Skade ng malamang patay na pala ang anak ng kanyang Ninang Lenn.

Biglang siyang napako sa kinatatayuan kasabay ng paghampas ng malamig na hangin sa kanyang balat.

Binaba na niya ang cellphone saka nilingon ang kinatatayuan ng batang babae na kausap niya kanina pero wala na ito doon.

"P-paanong nangyari 'yon?K-kausap ko pa siya kanina?",nanginginig niyang sambit.

"K-kung ganoon sino yung bata na 'yon",usal niya sa kawalan.

Hindi alam ni Skade ang kanyang gagawin habang kinikilabutan pero isa lang ang naalala niya.

"Hija mag-ingat ka...",biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ng matanda sa kanina.

















A/N: Feel free to comment and vote! vote! Appreciate na 'yon ni Author! Love lots!

Dé jàvuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon