Kabanata 9

19 1 0
                                    

Late akong pumasok ngayon actually may lakad kami ngayon magbabarkada pero kailangan ko talagang pumasok. Ilang araw na rin nung huli kaming nagsagutan ni Orpheus. Hindi ko siya maintindihan at ang hirap niyang intindihin.

Gusto ko lang naman siyang tulungan pero mukhang minamasama niya pa.Poblemdo na naman ako. Mukhang hindi na naman kasi papasok si Orpheus. Ngayon kasi kailangan yung thesis na ide-defend namin kay Prof Revolio at mukhang nangangamoy sinco ako.


Ang hirap talagang pagsabayin nang problema at pag-aaral pero kailangan lang tiyagaan dahil ilang months na lang ay graduation na.

Hindi nagtagal ay may dumating na teacher pero hindi si Sir Revolio kundi si Ma'am Clea na may dalang record sheet. Kaya umingay na naman  ang mga kaklase ko. Isa kasi si Mam Clea sa mga strikto at complikado na lecturer.

"Good morning. Absent ngayon si Sir Revolio at ako ang sub niya kaya tuloy reporting ngayon"

Mabuti na lang at nag-research ako ng particular.

Nagsimula na ring magpadefend ng thesis si Mam Clea. Pinatapos ko lang ang oras habang nagrereport yung mga classmates ko habang panay kwestiyon sa kanila ni Mam Clea.

Nakasagot silang lahat, sana naman ako rin.

Hindi ko maiwasan ang kabahan hanggang sa ako na yung susunod para naman magdefend. Pumunta na 'ko sa harap at ihinanda ko yung laptop saka ko inilagay yung flash drive at inayos ko na rin yung projector.

"Start"

"Hmm... I can do this", pagcheer up ko sa sarili.

"Okay, before anything else ---"

"Sorry I'm late"

Napalingon kaming lahat sa pinto at nagkamali ako. Late lang pala siya.

"Partner mo si Miss Ortaleza 'di ba?",tanong sa kanya ni Prof at tumango lang siya. "Okay I'll give you both five minutes for preparation. Bilisan"

Tumingin sakin si Orpheus pero iniwasan ko lang siya ng tingin. Nagulat na lang ako ng hawakan niya' ko sa kamay. At dahil ayokong gumawa ng atensyon ay sumama ako sa kanya pero sa labas ng classroom lang naman niya 'ko dinala.

"Here, ikabit mo 'tong flash drive sa laptop mo. Nandiyan 'yung topic natin",umabot niya sakin pero hindi 'ko tinanggap.

"Huwag kang mag-alala may ni-research ako. Kaya may ide-defend naman ako. Problemahin mo na lang' yung sayo",sagot ko at binasa ko na lang yung topic na nasa phone ko.

Naasar ako. Naasar ako kasi ganyan na naman siya. Bigla-bigla lang siyang susulpot tapos ngayon uutusan niya lang akong ikabit 'yung flash drive sa laptop ko. Bakit hindi siya magdala ng laptop niya? Tapos sasagutin niya ako ng ganyan ni hindi niya man lang tinanong kung ayos lang ba sakin.

"Hmm...",hinga niya ng malalim pero hindi umiimik.

Patatapusin ko na lang ang limang minuto ng ganito. Mukhang wala naman patutunguhan 'to kung mag-uusap kami.

"Okay let's settle this... I'm sorry for my rude side last time",this  time tinignan ko na siya.

"Iyon lang?",mukhang napilitan lang siya.

"I said I'm sorry",sagot niya na parang naiirita.

Sasagutin ko pa siya sana ako lumabas yung isa naming kaklase at tinawag kami. Nailing lang ako.

Dé jàvuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon