I

647 16 4
                                    

A/N: Napost ko na 'to sa Facebook. But sad to say, walang pumansin. Okay lang, haha. Keep writing pa din! Leave comment, guys! Kahit dot lang i-comment niyo, ma-aappreciate ko na. Marunong kasi akong makuntento, chos.

-


Yna: Good morning, Babe! Kain ka nang breakfast 'pag ka gising mo, huh? I love you.

Isang text message galing kay Yna.

Jack: Okay.

Kunot-noong binasa ulit ni Yna ang reply ni Jack, ang boyfriend niya.

Yna: Hello! Gising ka na pala. Don't forget 'yung lakad natin mamaya, huh?

Inuumpisahan na niyang kagatin ang mga kuko niya. Napahinto siya nang magreply nang mahaba ang boyfriend niya.

Jack: Oo. May kailangan rin akong sabihin sa iyo.

Ano kaya ang sasabihin niya? Tanong ni Yna sa isip niya.

Nanginginig siyang nagtatype nang ire-reply.

Yna: Ha? Ano ba iyon, Babe? Ba't hindi mo na lang i-text ngayon? Pa-suspense ka pa!

Jack: Gusto mo na ba talagang malaman? Hindi mo na mapigilan ang kuryosidad mo, ha?

Kumuyom ang kamao ni Yna. Anong ibig sabihin niya sa text na ito? Bakit iba ang pananalita niya? Bakit parang nasaktan ako sa simpleng text lang na iyon? Lalo na doon sa 'ha?' Sabi ni Yna sa kanyang isip.

Lumunok siya habang may kung anong pumipiga sa puso niya.

Yna: Oo, Babe. Ano ba kasi yon?

Ilang segundo pa lang nyang na-i-send iyon nang magtype siya uli.

: O kaya! Wag na! 'Di bale na! Manaya na lang

Sa pagmamadali niyang magtype, nagkamali-mali pa siya sa pagtype ng kanyang itetext.

Hindi na siya nireplyan ni Jack.

Kinakabahang pumasok siya sa banyo para maligo.

--

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE IT TO YOUR FRIENDS! AND IF YOU WANT TO HAVE CHIT-CHAT WITH ME, JUST PM ME! I LOVE YOU ALL! :)

Level UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon