II

377 8 5
                                    

--

"Babe..."

Lumingon si Jack nang walang emosyon sa mukha. Namutla si Yna. Tama ba ang hinala ko? Wag naman sana... sabi niya sa kanyang isipan.

Nararamdaman niyang malapit nang tumulo ang luha niya, kaya tumalikod muna siya para punasan ang mata niyang namumula.

"Ano yung sasabihin mo, Jack?" tanong niya pagka-upo niya sa tabi ni Jack.

"Gusto mo na ba malaman?" balik tanong niya kay Yna na hindi man lang tumingin habang nagtatanong.

"H-huh?" wala sa sariling nasabi ni Yna. "A-ah? Hindi. Halika," tumayo siya at hinawakan si Jack sa pulsuhan kahit nanginginig na ito sa kaba. "Kain muna tayo nang ice cream."

Sa pamamagitan kasi na iyon, mapapatagal pa ang oras na 'sila'. Baka makalimutan pa niya ang balak niyang sabihin kay Yna.

Pabagsak na inalis ni Jack ang pagkakahawak ni Yna sa kanya. Nasaktan ang babae pero pinilit niyang hindi magkomento.

"Wala nang paligo'y ligo'y pa..."

Bumilis ang tibok ni Yna at naiiyak na. Bago pa sabihin ni Jack ang mga salitang iyon, ipapa-intindi niya muna sa sarili niya na matatapos na sila, na tatapusin na ni Jack kung anong namamagitan sa kanila.

"Yna, tapusin na natin to," matigas na sabi ni Jack. "Sawang-sawa na ako." umiiyak na si Yna. "Sawang-sawa na ako sa kapabebehan mo. Sawa na ako sa mukha mo. Hindi ko alam... Gusto kita, pero hindi ko alam kung bakit ako merong biglang minahal."

"J-jack..--"

"Ayoko na! Tapos na tayo. Sawa na ako sa ganito. Gusto ko nang mawala kung ano mang meron tayo. Gusto ko bago! Salamat sa mga araw, sa mga LSM mong wala namang talab sa akin. Sa mga good morning texts mo na walang kwenta. May papakasalan na ako. Hindi na ako patumpik-tumpik pa, kasi mas higit na mahal ko yon." tumalikod si Yna habang umiiyak. "Papakasalan ko na siya sa madaling panahon, papakasalan na kita," hinihingal na sabi ni Jack. "Kaya, good bye. Break na tayo, punta na tayo sa next level."

"Will you be my wife?" sigaw nang mga tao sa paligid.

Tinignan ng masama ni Yna ang mga tao, "Anong 'will you be my wife?' Hindi ako ang pakakasalan niya! Kita niyo, nakikipagbreak na siya sa akin, di ba?!"

"Hindi mo ba ako narinig, Yna? Sabi ko, punta na tayo sa next level!"

The End...

--

GUSTO NIYO PA BA NANG NEXT CHAPTER OR NAH? JUST COMMENT!

Hi! Please, do read my other stories! Thanks :)

By the way, kumusta siya? Alam ko, 'lakwenta'. LOL

Level UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon