Ako si Melody Abigail Venabentura, at mas sanay ako sa tawag na Abby. Kilala akong madaldal, active at syempre friendly sa school namin. Halos lahat ng kaklase ko, babae man o lalaki ay friend ko o di kaya naman ay tropa ko. Nakakatuwa nga kase na elect akong President ng section namin, siguro dahil na din sa mga classmate ko na nagtitiwala sa akin. FYI hindi lang ako puro salita at puro daldal, kung minsan naman ay nagan din itong isip ko. Nagtapos akong 1st honorable mention noong Elementary at syempre Valedictorian noong High School. Oh san ka pa? Dito ako sa isang State University sa probinsya namin kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo.