Chapter 2 - Ruthless and Broken

202K 2.7K 58
                                    

Chapter 2Ruthless and Broken

 

“Ah, maam, saan po kayo pupunta?”

Napatigil si Lana sa mga yapak niya nang bigla siyang tinawag ng guard. Papasok na kasi sana siya sa Torres Corp building kung hindi lang siya tinawag nito.

She turned around and smiled at him politely, “Ah, kuya, uhmm, pinapunta kasi ako rito ni Chace—uhm, I mean ni Sir Torres, 7:30 kasi ang oras na sinabi niya na papuntahin ako rito.”

Kumunot naman ang noo ‘nung guard sa sinagot niya, “8:30am pa po ang office time dito. Kaming mga guards at ang mga maintenance staff lang ang hindi. Saka po, kung hinahanap ninyo si Sir Torres, 8:30 pa po siya available. At kung may appointment po kayo sa kanya,  pwede ko po bang makita kahit isang valid ID lang po ninyo at titignan ko po sa logbook kung may nakafile nga po ng appointment, for security measures lang po.”

Kinuha naman agad ni Lana ang ID niya sa bag at ibinigay dito. Baka akalain ng guard, magnanakaw siya.

Matapos tignan ng guard ang logbook, isinauli nito sa kanya ang ID at mas lalo pang kumunot ang noo nito, “Sorry po ma’am pero wala pong nakalagay na Lana Stephanie Tan sa mga appointment schedules ni Sir Torres. Kung visitor po kayo, bumalik na lang po kayo mamaya.”

“P-Pero.. sabi niya.. 7:30 ako dapat pumunta rito?” her voice was distressed. Kung alam lang niya, eh ‘di sana pala, nagduty muna siya kahit kaunti lang sa ospital. Tinawagan pa naman siya kagabi na kailangang-kailangan siya bukas sa ospital dahil sa dami ng pasyente na nakaconfine doon.

Kahit aaminin niya, yesterday, when she met Chace and talked to him for the first time, nakaramdam siya ng inis sa inaasta ng lalake. The man acted like he was a god. That he left her no choice.

Pero kahit ganun, kailangan niyang mabawi ang restaurant na pinaghirapan ng mga magulang niya. Even though he was her ex-best friend’s brother, para lang sa mga magulang niya, gagawin niya ang lahat. She knew this was her karma afterall.

“Uy, Carlo, kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito.” Napalingon naman si Lana sa likod  niya nang may nagsalita.

Then he saw a middle-aged man bringing some plastic on his right hand na nakangiting nakatingin sa kanila. At base sa uniform nito, isa itong maintenance staff ng Torres Corp.

“Ah, hindi pa nga ho, Mang Jeffrey, mamaya na lang ho.” Sagot naman ng guard ‘dun sa matanda.

Napansin naman ni Lana na napunta ang tingin ng matanda sa kanya. Medyo naguluhan naman ito nang makita siya, “Ah, may kailangan po ba kayo?” the old man asked her politely.

Napangiti naman si Lana rito. Parang gumaan kasi ang loob niya dahil sa pagngiti nito sa kanya, the old man was really accomodating, “Ah, eh, pinapapunta kasi ako rito ni Sir Torres manong, ano, ako si Lana Stephanie Tan.” She answered him politely.

Tila napaisip naman ang matanda sa sinabi niya at ilang segundo rin ay nagsalita ito, “Ah, ikaw pala si Lana? Oo, ikaw yung bagong maintenance staff  na sabi ni Sir na magtratrabaho ngayon. Lika hija, ibibigay ko na sayo ang uniform at ang listahan na ipinabibigay sayo ni Sir para sa gagawin mo ngayong araw.” Anito at nauna na ngang pumasok sa building.

Kumunot naman ang noo ni Lana sa narinig nito, “Maintenance staff?” she was confused even at herself as she entered the building too. Gagawin ako ni Chace bilang isang maintenance staff?

Sumunod lang si Lana rito hanggang sa makarating na rin sila sa maintenance staff room.

“Ito ang uniform na susuotin mo,” panimula nito at inabot nito sa kanya ang isang paperbag na naglalaman ng susuotin niyang maintenance staff uniform, “Nasa loob din d’yan ang listahan na pinagagawa sayo ni Sir Torres ngayong araw. Sabi niya kapag 8:30 na raw, pumunta ka sa office niya.” Sunod-sunod nitong bilin sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan na kabahan, base palang kasi sa boses ng matanda, parang ang sobrang strikto ni Chace sa kanila.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon