Chapter 4 - Unpredictable

158K 2.4K 136
                                    

Chapter 4 – Unpredictable

 

 

“Doktora!”

“Janine,” bati ni Lana sa kasamahan niyang nurse na si Janine nang dumating na siya sa public hospital kung saan siya kasalukuyang nagduduty. Isa kasi siyang Post-Graduate Intern ng medicine. Next year, she will now start her residency years.

“Kamusta na doc? Ilang araw na kitang di nakikita dito, okay na ba yung restaurant nung parents mo?” the lady asked. Sila kasi ni Janine ang medyo close sa ospital. Parang nakakabatang kapatid na niya ito, she was 25 while Janine was 22. Last year pa lang kasi ito grumaduate sa kursong Nursing.

Lana forced a smile. Kahit nga siya, hindi rin niya alam kung may kasiguraduhang makukuha pa niya yung resto ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung talagang ibabalik sa kanya ni Chace Torres ang resto sa kanya.

I’m sorry for last night.

You can take an off right now.

--Torres, CN

Bigla naman niyang naalala ang tulips na ipinadala nito sa kanya kaninang umaga. Actually, she didn’t really expect na magpapadala ito ng bulaklak sa kanya, lalo’t pa sa nangyari sa kanila kagabi dun sa party. Akala ba niya, ayaw nito sa kanya? He even humiliated her in front of everybody. Ipinagmukha siya nitong kawawa.

Oo, aminado siyang galit ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Cheska, but what he has been doing to her lately was beyond the belt. Naguguluhan siya kung bakit parang ganun na lang kalaki ang pagkamuhi nito sa kanya.

Tapos kanina, nagulat na lang siya sa bulaklak nito at sa sulat nitong nagsosorry sa kanya na pwede rin siyang magday-off ngayon.

She would say, Chace Torres’ personality is really unpredictable.

“Hindi ko rin alam, Janine. Ewan ko ba. Hahaha.” Natatawang sabi niya rito kahit medyo naiiyak siya. Siguro nga, ito na yung mga kabayaran sa ginawa niyang pagtratraydor sa sarili niya mismong kaibigan.

Pero nagmahal lang ako.

 

“Doc, matanong ko, talaga bang magkamukhang-magkamukha sina Chris Torres yung artista saka si Chace Torres?” excited na tanong ni Janine sa kanya kaya natatawang napailing na lang siya. Alam kasi nito ang tungkol sa pagtratrabaho niya sa Torres Corp for her family restaurant. But she didn’t tell her everything about the deal between her and Chace. That’s why, alam nitong hindi siya medyo makakaduty sa ospital ng ilang mga araw dahil sa Torres Corp. Mamaya nga, magpapaalam pa siya sa Chief of Clinics para sa trabaho niya sa Corp.

Then she suddenly thought Chris and Chace differences. Oo, magkamukhang-magkamukha ang dalawa. But the way Chace looks at her, it is always mere coldness.

“Janine, ano ka ba.” Natatawang sabi na lang niya dito.

“Eh kasi naman doc, ang sobrang swerte niyo! Kilala mo ang dalawa, naku kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikita ng personal si Chris Torres! Dahil sa inyo, natupad na rin ang matagal ko ng pinapangarap.” Malanding tugon nito sa kanya kaya mas lalo pang natawa si Lana dito. Nang minsan kang binisita siya noon ni Cheska dito sa ospital, kasama nito si Chris Torres.

“Janine, haha, sige na, pumunta ka na dun sa nakaassign sayong pasyente. Grabe ka.” Aniya dito.

Janine pouted, “Sige na nga! ‘Di mo naman sinagot tanong ko. Sige, byeee!”

Pero bago pa man ito makaalis, Lana quickly interrupted, laughing,  “Oo na, magkamukha sila. They’re both handsome.” She then winked. Pagkatapos ay tumalikod na rin siya. May pupupuntan pa kasi siyang pasyente sa public ward para mag-inject ng gamot dito.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon