The Confidence

450 13 12
                                    

CHAPTER I

Ako po si DON PABLO REY.  Sa totoo lang ang pangalan ko lang ay DON. Middle name ko yun PABLO. At Last name ko yung REY. ASTIG DI BA?? :) lagi kasing tinatanong kung anong apelyedo ko. akala nila pangalan ko palang ang sinasabi ko kapag sinasagot ko sila. Pero tawagin niyo nalang akong DON. tutal yon naman ang tawag nila saken kalimitan.

Madaming nagsasabi na para daw akong artista. Kaya lang kung mag o audition daw ako malamang di ako makapasa. BAkit Kaya?? DI naman ako panget. guwapo naman ako. mabait. honest. loyal. sweet at syempre HOT. Yon nga lang ang problema lagi akong napagkakamalang PLAYBOY. Kasi, masyado daw akong mahangin at walanghiya pagdating sa pagpapakita ng aking mga nararamdaman sa isang babae.

==== >>

HAAAAAAYYYY!!! KRRRRRNNGGG! KRRRRNNNGGG! Asar naman ung alarm clock oh? sarap basagin. Inaantok pa ko. Akala ko pag College na, di ko na kailangan gumising ng maaga, nagkamali ako. 7:00 o'clock na.. 7:30 ang time ko.. waahh. Late na ko. Kaya naman dali dali akong nagpunta sa banyo at hinubad agad ang lahat ng saplot sa aking katawan, maski ang natitirang saplot sa bahaging un (na alam nio na? ^_^) eh tinanggal ko na din, para swabe ang paghagod sa aking....

mga libag libag sa ktawan di ba??? (kayo ha.. ^_^ wag greeny..) pero, mas masarap daw kasing maligo kapag wala ka talagang suot na kahit ano, kasi parang mas malinis at walang abala pag naliligo ka na di ba?? para masarap ang paliligo. kaya nga sabi nila mas natatagalang maligo ang mga lalaki kasi...... simple lang ang dahilan.....

KASI.... NASASARAPAN PALILIGO.. anu pa bang iba? (tama ba?) hehe.. :)

Sa C.R. namin mayrong life size na MIRROR at kitang kita mo ang hubog ng iyong katawan pag nandodoon ka, lahat ng anggulo makikita mo talaga..  kaya naman ng makita ko ang aking sarili sa salamin, bigla ko nalang narealize na, hindi talaga nagkamali ang DIYOS sa pagkakagawa sakin. gwapo,chinito,macho, at dahil yon sa araw-araw na pag gi gym ko. di ko pinapabayaang mawala ang 6 packs na abs na inaalagaan ko at ang malalaking muscles ko.. kaya naman, lahat na yata sakin malaki...   Katawan, muscles, pati yung aking..... ahmm... di nag papahuli..

ang aking.. PUSO syempre... (kayo talaga) I' really have a big heart.. at dahil yon kay LORD..

HAAAAYYY! Puso nanaman ang usapan di ko talaga alam kung bakit lagi nlang akong iniiwan. Minsan na nga lang magmahal ng totoo, iniiwan pa. wala naman akong ginagawang mali. Lahat naman binigay ko. ang macho kong KATAWAN, buong PAGMAMAHAL pati KALULUWA ko binigay ko na.. pero bakit ganito?? Ganyan siguro talaga kayong mga babae. hindi marunong makuntento. Laging may pagdududa, at lagi nalang galit saming mga lalaki, kahit wala nman kaming ginagawang masama.. T_T

Unang pasok ko palang sa school. talagang pinagtitinginan na ko ng mga babae, pati na din mga lalake. kahit yung mga nanay na ineenroll padin ang kanilang mga anak, hindi padin nagpapahuli.. :) Anjan na yung may malagkit ang tingin, mga matang mapang-akit, mga nagkakagat labi,mga nangingindat at kung anu anu pa. di ko alam kung anung nangyayari sa kanila. pero, kahit panu sanay nadin ako. BASTA LAHAT SILA SINASAGOT KO NG AKING NAPAKATAMIS na "KILLER SMILE kasama pa ang aking napakacute na DIMPLE" (sa kanan lang kasi ako may dimple ei. ABNOY.) ^_^ .Ngunit habang naglalakad na ko sa hallway. nagtaka ako at parang lahat nalang yata nagtitinginan saken. pati mga lalaki tinitingnan na din ung sa may part ng anu ko... sa may ibabang bahaging yon.. (mga bading ba tong mga to??) anu kayang mayron..

At ng tiningnan ko na nga... BUKAS PALA ANG ZIPPER KO!!!!  O_O nakakahiya tuloy. kaya pala lahat nalang ng madaanan ko napapangiti at kagat labi.. AHEMMMM.... may nararamdaman kaya sila saken? anu kaya yon? anyway.. at dahil nga sa pangit namang tingnan kung dun ko pa mismo sasarhan sa gitna ng hallway.. Naisip ko na humanap nlang ako ng C.R. tutal naiihi nadin nman ako idederetso ko na. At sa pagmamadali ko di ko na napansin kung anu ang napasok ko..

Mr. ConfidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon