Pagkatapos nilang kumain ay nag ayos na sila para pumasok at ganun din naman ako pero hinatid ko muna sila sa school para masiguro kong ligtas silang makapasok. Maraming estudyante at guro ang nadadaanan namin at kani-kaniyang bati saming apat, kilala ang Funtino sa elementarya dahil ako'y valedictorian at mahilig tumulong sa nangangailangan.
Pagkahatid ko sakanila ay bumalik na agad ako sa bahay para makapasok na, malayo ang MPU. Nung nasa tapat na ako ng pinto ay bubuksan ko sana pero...
*BLAAAAAG!*
Nakita ko si tatay na galit na galit
" San na yung pagkain kong hayop ka?! Lumandi ka nanaman! Pareho lang kayo ng nanay mong kire! Malalandi! Pokpok! Kaladkaren! " sigaw ng tatay ko sa mukha ko, nasa labas kami at rinig ng mga kapit bahay.
" Nako, kawawang bata "
" Oo nga, nakakaawa "
" Iniwan kasi ni Hailey yung tatay nila kasi nalulong daw sa bisyo "
" Kinse anyos na dalaga, pero sya na umaako ng lahat "
Nakatungo ako habang naririnig ko sila.
" Hoy tigilan nyo na yang pag chichismisan nyo at nakatingin na si pare sa inyo oh. Ang sama ng tingin sa inyo "
Tama nga sila, masama na yung tingin ni tatay sakanila. Tumingin bigla si tatay sakin at hinigit ako papasok at sabay sakal
" Alam mo! Ikaw yung malas sa pamilyang 'to eh! Wala kang kwenta! Dapat pinalaglag ka na lang ng nanay mong malandi! Alam mo? Gusto ko ng mamatay ka "
*PAAAAK!*
Sinampal ako...
May nalasahan ako parang kalawang
'Dugo'
Pagkasampal sakin ni tatay ay binitawan na nya ako at umalis ng bahay. Napaupo ako sapo ang aking pisngi kung saan sinampal ako ni tatay, umiiyak ako dahil sa sakit na dinadanas ko ngayon. Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 6:00 am.
Lumapit ako sa salamin at kitang kita ko ang malaking pasa sa gilid ng labi ko, namumula at napakasakit. Ininda ko ang sakit at kinuha ko na yung mga gamit ko para pumasok.
Lumabas akong nakayuko dahil nakakahiya yung nangyari, nilakad ko hanggang sakayan ng jeep papunta sa MPU. Nung ako'y nakasakay na ako ay agad akong nag bayad
" Oh Happy? Anyare sa mukha mo? " sabi ng driver
" Nadapa lang ako tito, wala lang 'to hahahaha " sagot ko, pinsan sya ni tatay
" Kumusta naman ang pag aaral? Ang mga kapatid mo? Lalo na ang iyong ama? Madalang na lang kayong pumunta sa bahay ah "
" Ok naman po ang pag aaral namin, as usual po tito... matataas po ang mga markang nakuha namin sa exam tapos si tatay naman po ay ok lang din po " sagot ko habang nag lalagay ng polbo sa mukha para matakpan ng konti yung pasa
" Mabuti naman kung ganon " sagot ni tito at pinaandar na ang makina ng jeep
BINABASA MO ANG
The Girl Behind Those Mask
Teen FictionI, the girl who wear a mask, Mask that no one else dare tried to peek, Speak using the eye, Look at my eye and you will see the girl behind those mask, You'll see the fragile girl that wants to quit the game, That game is her life, Life that full of...