Chapter 1

4 0 0
                                    



*Blaaaag*

Nagising ako dahil sa pag bukas ng pinto at nakita ko dun ang aking amang lasing na lasing.

" Punyeta kang bata ka! Natutulog ka pa din! Alas kwatro na ng madaling araw ayaw mo pang bumangon! Wala ka bang balak gumising at mag saing?! May balak ka pa bang pumasok?! " Sigaw ni tatay habang hawak nya ang bote ng beer

" Pero po tay kakatapos ko lang ho mag laba at ngayon lang po ako matutulog " sabi ko at agad akong tumayo upang ayusin ang aking hinigaan

" Aba! Nag rereklamo ka ha?! Gago ka ha! Dapat di ka na lang pinanganak! Wala kang silbe! "

*Blaaaaag*

Napapikit ako sa sinabi ni tatay, ang sakit... Ang sakit sakit na marinig mo yung salitang yun sa sarili mong kadugo... Ang sakit na kailangan ma'y hindi na mawawala. Pinunasan ko yung mata ko na may nag babadyang tumulong luha.

" Hooooo! Happy lang dapat, happy lang. Kailangan ko ng gisingin yung mga kapatid ko pero bago ko muna sila gisingin. Mag luluto muna ako ng makakain namin " Pumunta ako sa kusina at doon ako nag luto ng pagkain.

Nung nakaluto na ako ay agad kong tinawag yung tatlo kong mga kapatid

" Harold, Hans, Hara!!! Gising na at may pasok pa tayo " sigaw ko mula sa kusina, hindi ako maririnig ng tatay ko dahil lasing na lasing sya.

" Hmmmm, ang bango naman nyan ate!!! " Hans, pangatlo saming mag kakapatid

" Ate, tulungan na kita " Harold, pangalawa saming mag kakapatid

" Inaantok pa ako ate " Pupungay pungay na sabi ni Hara, sya ang bunso

" Haaroon mag hilamos ka dun para di ka na antukin " sabi ko habang nilalagay sa lamesa yung mga plato

" Nasan si nanay ate? " tanong ni Hara sakin

" Baka nag lalaba sa kabilang baranggay " sabi ko at kita ko sa mga mata nya ang lungkot

" Di na natin nakakasama si nanay ng matagal " malungkot nyang sabi

" Intindihin na lang natin si mama ha " Pilit na ngiting sabi ko, ang totoo nyan iniwan na kami ni nanay simula nung malulong sa bisyo si tatay. Lagi na lang syang binubugbog ni tatay tuwing uuwi, lasing man o hindi. Sasabihin ni tatay na nanlalalaki si nanay kahit ang totoo nyan ay nag tratrabaho sya. Pinunasan ko yung mata ko na animo'y nag tatanggal ng muta

" Osya, kain na tayo ng makaligo na kayo " Nilagyan ko na sila ng pagkain sa kani-kaniyang plato

" Sino sa inyo ang gustong mag dasal? " tanong ko sakanila na nakangiti

" Ako! Ako! Ako " Masayang presinta ni Hara

" Tayo'y yumuko at manalangin... Papa God na nasa langit, maraming salamat sa pagkain na aming nasa harapan.Papa God, sana po magkasabay sabay po kaming lahat kumain at sana din po ay umuwi na si mama dito. Ameeeeeeeeeen! " pagkatapos nyang mag dasal, kumain na sila at ako naman ay isa isa silang tinignan

'Ang saya saya nila, wag sana nilang malaman na matagal na kaming iniwan ni nanay' malungkot kong sabi sa sarili ko...

Ako nga pala si Happy Funtino, di kaputian at di din naman kaitiman... 15 years old, nag aaral sa private school na kung tawagin ay Millennium Patriot University... 4th year o Grade 10 na ako, libre ang pag aaral ko dun dahil 'daw' sa angking talino, bait, matiyaga at sipag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Behind Those MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon