BB: 04

29 3 0
                                    

Chapter Four

"Hello?"

"Xylar?"

Napangiti ako. "Oh? Bakit?"

"Uh, are you free today?"

Lagi akong free 'pag sa'yo! "Ah, oo. Nababagot na nga ako sa sobrang free ko e! Hehe."

Mahina siyang natawa. "Is that so? Then can I ask you to go out later?"

Nanlaki ang mga mata ko! Omg! Omg! "L-Later?"

"Yes."

"S-Sure! Sure! Sure na sure! Hehe," mahina kong tinampal ang bibig ko dahil masyadong halata na excited ako!

"Alright, then. I'll text you where we'll go. See you later, Xylar," saad ni Hector at pinatay na ang tawag.

Impit akong napatili at nagtatalon sa kama ko nang matapos ang tawag na iyon. Omg! Niyaya ako ni Hector! Niyaya niya 'kong lumabas! Waaahh!

Nang ma-receive ko ang text niya kung sa'n kami pupunta ay t-in-ext ko si Preya.

To: Best
Best! Hulaan mo kung anong mayro'n ngayon? Omg!

From: Best
Hindi ako manghuhula kaya sabihin mo na lang.

Psh. Ang sungit naman nito! Mukhang may dalaw, ah? Nakangisi akong nagtipa ng i-re-reply.

To: Best
Niyaya lang naman akong lumabas ni Hector! Kyaaaah! Naririnig mo ba 'yung tili ko, ha? Ha? Grabe, best! Dapat marinig mo!

From: Best
Wow! First time? Naka-ilang labas na kayo, kilig na kilig ka pa rin. Psh.

Natawa ako. Bakit ang bitter nito ngayon?

To: Best
Hindi na yata mawawala 'yung kilig ko, best! Waaaah! Bakit ba ang sungit mo ngayon? May dalaw ka, 'no? 'Wag kang bitter d'yan! Suportahan mo na lang ako!

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi na nag-reply si Preya. Wala yata sa mood ang isang 'yon. Psh.

"Xylar, baby? Bumaba ka na at kakain na tayo," narinig kong sambit ni Mommy matapos kumatok.

"Opo, Mommy!"

Tumingin lang ako sa salamin para tignan ang sarili at bumaba na pagkatapos.

"Wow! Ang bango naman!" Sabi ko nang makarating sa dining area.

"Ako ba naman ang nagluto, talagang mabango 'yan katulad ko," nakangising anas ni Kuya Harvy.

"Mabango nga, e masarap naman kaya? Baka hanggang bango lang 'yan," nakangiwing sambit ko, nang-aasar.

"'Pag ito masarap, h'wag kang kakain!"

"Nyenye. Hindi ako uto-uto," binelatan ko pa siya at naupo na sa sariling upuan.

"Kayo talagang dalawa, baka kayo ang magkatuluyan niyan?" Panunukso ni Mamita.

Nagkunwari naman akong nasusuka. "Asa, Mamita! Hindi 'yan pasok sa standards kong ubod ng taas!"

"Mas lalo naman ako, Mamita! E bata lang tingin ko d'yan, e!" Sabi naman ni Kuya Harvy.

Breakup BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon