BB: 27

26 2 0
                                    

Chapter Twenty-Seven

"Ano 'yan?!" Bulalas ko nang ihain ni Ja-de sa harap ko ang isang pagkain.

"Kanin?" Pilosopo niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam kong kanin pero ano 'yang hinalo mo sa kanin!"

"Why are you shouting? Your parents are sleeping," malumanay niyang usal.

"Soundproof ang kuwarto nila, 'wag kang mag-alala!"

Napatawa siya. "Okay, relax."

"Ha! Relax? Pagod na pagod ako tapos iyan ang ibibigay mong pagkain? Hindi ko kilala 'yan, ipakilala mo!"

Katatapos lang naming mag-"general cleaning" na dalawa kaya heto at gutom na gutom na ako! Mag-aalas singko na ng hapon ngayon. Grabeng paglilinis 'to, maghapon!

Bago kasi kumain ng lunch ay sinimulan na naming linisin ang first floor, kasama ang dalawang banyo!

After lunch naman ay namahinga lang kami saglit at bumalik na sa paglilinis. Lahat ng kuwarto sa itaas ay nilinis din namin. Poprotesta sana ako pero pumayag sina Mommy!

At ang huli naming nilinis ay ang third floor. Kulang na lang ay pati bubong, kisame at pader ay linisin na rin namin. Psh. New experience what?

Mas lalo siyang natawa kaya mas lalo ko ring sinamaan ang tingin sa kaniya. "It's a... dried champorado."

Napairap na 'ko. "Mukha nga. Pero ano nga 'yung hinalo mo sa kanin!"

"Milo powder."

"Milo?!"

"Yup, Milo."

"Ja-de, alam kong pinapa-experience mo 'ko ng mga bagay-bagay, pero pati ba naman sa pagkain?"

"Why not?" Kibit-balikat niyang usal.

Bahagya kong inilayo ang plato sa harap ko pero inilapit niya pabalik. "Look, try it first before saying anything. Don't judge the book by it's cover. Masarap 'yan, promise," nakangiting anas niya, mukhang nag-e-endorse, amp.

"Nakakain ka na ba nang ganiyan?!"

"I won't even let you try it if I never tasted it before," seryosong aniya, napakagat ako sa ibabang labi ko. "Well, in fact, that's one of my favorite food."

"O sige, sumubo ka muna," hamon ko na hindi naman niya tinanggihan.

"It really tastes good. Try it, honey," pagpipilit pa niya. Nakangusong tumikim ako nang kaunti.

"So, how is it?"

Napatango-tango ako. "Okay naman, lasang... Milo." Psh. Nadali na naman ako ng words of wisdom niya, lagi na lang!

Bakit ba masarap 'tong kakaibang pagkain na 'to?

Napahalakhak siya. "Masarap?"

"Okay nga—,"

"Masarap?" Pag-uulit niya sa tanong at muli akong napairap.

"Oo na, masarap! Happy? 'Wag mo 'kong yabangan diyan, pinagod mo 'ko."

Kinabukasan pagkagising ko ay ramdam ko ang sakit ng katawan ko! Mukhang nabigla sa kasipagan ko kahapon.

Nang uwian na namin ay tuluyan nang bumigat ang pakiramdam ko. Pagkarating sa bahay ay agad akong dinalaw ng antok, dala na rin siguro ng masamang pakiramdam kaya agad akong nakatulog.

Nagising lang ako nang may kumatok sa pinto. Napadaing ako nang bahagya kong nagalaw ang binti ko at naramdaman ang pangangalay no'n. Maski ang braso ko ay nangangalay.

Breakup BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon