The Right Guy For Her [One Shot]

406 23 21
                                    

A/N: Pagpasensyahan na po. Ako po ay sadyang tinatamad mag-review para sa exam ko bukas at bored na rin kaya ginawa ko ito. Bukas kasi eh exam namin sa Chemistry kaya ang pangalan ng 2 characters ay pangalan sa functional group. Enjoy reading. God Bless. :D Dedicated kay Dyosa Maldita kasi enjoy na enjoy ako sa pagbabasa ng The Rainbow Saga: The Palette of Chronicles. Kinikilig lagi ako kina Denzel and Yumi. Kahit na nasa jeep ay binabasa ko pa rin. :D

Amide’s POV

“Kelan ba ako makakahanap ng seryosong boyfriend? Maganda naman ako, mayaman, sexy. matalino. Lahat naman yata ng characteristics ng isang ideal girlfriend ay nasa akin na yata eh. Ano pa bang kulang? Bakit lagi na lang ako pinaglalaruan ng mga lalaki?” Pagmamaktol ko sa bestfriend kong si Quincy. Nandito kami sa school grounds nakatambay kasi wala na namang teacher. Siguro tinatamad na namang pumasok. Kakabreak lang namin ng ex ko 1 hour ago. We’ve been together for 3 weeks yata.

“Amide, alam mo natin na mahirap ng makahanap ng lalakeng seryoso sa pag-ibig ngayon.

Yung ibang lalake, pure lust lang yung hanap. Yung iba naman, parang laro laro lang ang ginagawa. Laging hindi nagse-seryoso. Karamihan nga eh yung syo-syotain ka lang kasi may kailangan sa iyo, kapag nawalan ka na, goodbye na.Yung iba naman, parang cellphone. Papalitan ka kaagad pag may bagong labas na model. Duh! Eh kung ganyan ang mga lalake ngayon, hindi ka na talaga makakahanap ng seryosong boyfriend na mamahalin ka for who you are. Pero who knows, malay mo may mga lalake jan sa tabi-tabi na nagmamahal sayo ng totoo but he just can’t admit it.” Quincy said.

Sa totoo lang, may point din yung sinabi niya. Siguro I’ll just wait for him na lang diba. Wala din naman mawawala kung maghintay ako ng kaunting sandal.

“Sabagay. I’ll just wait na lang. Malay mo nakita ko na pala siya. Hindi ko nga lang alam na siya pala yung nararapat for me.”

Ay wait! Putek! May nakalimutan ako.

“Quincy, I need to go. May kailangan pa pala akong puntahan. Kapag nagtanong yung mga teachers kung bakit wala ako pakisabi I have dysmenorrhea. Gorabells na ako! Byie!”

Buti na lang wala yung guard sa gate kaya nakalabas ako ng matiwasay. Dali dali akong pumara ng taxi. Kailangan kong mapuntahan ito. Ang tagal ko ng naghihintay.

Pagkadating ko sa MOA dumiretso na ako sa National Book Store. Yup, sa MOA ang destination ko. It’s not like I will go shopping or whatever there eh. Kailangan ko lang siya makita at makabili nun.

Pagdating ko sa MOA, ang dami ng nakapila. Kumuha na ako ng isang libro ni Ricky Lee na ang title ay “Si Amapola sa 65 na Kabanata”. Well, fan na ako ni Ricky Lee since mabasa ko yung Para kay B. Tumutukoy kasi siya sa undying love nung lalake para dun sa babae.

Bakit ako bumili ng libro? Eh may booksigning eh. Hindi ko nga napapirmahan yung Para kay B na book ko since medyo this year ko lang binasa yun. Kaya itong si Amapola na lang yung papirmahan ko.

Papunta na sana ako sa counter ng may nakabangga sa akin na guy.

“Hey, look where you’re going!” Sabi ko bigla. Nakakainis kasi eh! Ang haba haba na  nung pila. Baka di pa mapirmahan yung book.

“I’m sorry.” Sabi sa akin nung guy and wait! He smiled at me. He looks familiar. Pero nevermind na nga lang. I need to hurry na! Mas lalo pang humahaba yung pila.

 After kong mabayaran yung book, gumora na kaagad ako sa pila sa booksigning. Oh Gosh! I’m so excited na mapirmahan na yung book and ma-meet si Ricky Lee. I think nagmumukha na akong tanga kasi kanina pa ako nakangiti.

“Hey miss, do you know that nagmumukha ka ng tanga jan. Kanina ka pa nakangiti, wala namang nakakatawa.” Sabi nung guy sa gilid ko. Nakatagilid kasi ako eh, so there’s a possibility na nakikita nya yung face ko.

The Right Guy For Her [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon