Chapter 1: Cold Hearted

31 0 0
                                    

Madilyn's Pov.

Patuloy lang ako sa pagtitig sa mga hinanda kong pagkain sabay lagok ng alak na sinalin ko sa baso.
Anong oras kaya siya uuwi? halos lumamig nalang tong mga niluto ko at gabing gabi na, wala pa rin siya. Nag aalala na ko Van...

Mga ilang oras pa na paghihintay ko ay nasilayan ko yung napaka gwapo kong asawa. Ngumiti ako sakanya kahit medyo hilong hilo na ko dahil sa nainom ko.

"Buti...*hik* naka...uwi...*hik* kana~ hehe" wika ko. Tinitigan niya lang ako na tipong sobrang baba kong nilalang para sakanya. Yung mga mata niya palaging blanko.

"K-kumain *hik* k-kana..." wika ko uli. Diretso lang siyang pumasok sa kwarto niya para mag bihis. Ilang saglit lang ay lumabas rin siya at umupo sa harap ko.

Tahimik lang siyang kumakain.

"A-ano... k-kumusta yung traba-" naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya.

"Bakit ka nanaman uminom ng alak?" malamig na tanong nito sakin.

"G-gusto ko lang... mainitan.... hehe~~"

Matalas na tingin lang ang ginawa niya, alam kong galit nanaman siya sakin, wala namang bago dun haha. Agad ininom yung natitirang alak sa bote.

"Aaahhhhh!!!! Whoo! hehehe~~~ ang sarap! *hik*"

Agad lang siyang tumayo saka pumasok sa kwarto niya. Habang ako ay tuluyan nang natulog sa mesa.

-*-

Kinaumagahan ay naramdaman ko agad yung sakit ng ulo ko. Ang huling natatandaan ko ay sa lamesa ako nakatulog pero ngayon nasa kwarto ko na ako.

Imposibleng buhatin niya ko dito, baka nagising ako at kusa akong pumunta dito. Napasapo nalang ako sa noo ko habang masakit pa rin yung ulo ko.

Tumayo na ko at dali dali akong tumungo sa kusina, halos araw araw kailangan nakapag handa na ko ng pagkain para sa asawa ko.

Patay! patay ako neto!

Laking gulat ko nalang dahil siya na mismo tong nagluluto.

"V-Van... a-ako na diyan" wika ko sakanya.

Nilingon niya lang ako sabay balik sa ginagawa niya at ni anong imik o salita ay wala kong narinig.

Umupo nalang ako habang hinihintay ko nalang siya sa lamesa. Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko.

"Don't drink too much Madi. Let's eat." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya sabay umupo siya sa harap ko.

Ngayon lang ata uli kami sabay na kakain. Siya pa nag luto.

"L-love... a-anong oras ka uli uuwi mamaya?" tanong ko dito pero wala siyang sagot.

"V-Van.... p-pwede ka bang umuwi ng maaga mamaya? o k-kahit m-medyo maaga."

Tinignan niya lang ako habang blanko lang talaga yung mga mata niya.

"Please...?" dagdag ko.

Ilang saglit lang ay may tumawag na sa phone niya.

"Okay, Okay, I'll go ahead"

"Yes, yes.. Noted."

Tugon niya sa kausap niya sakabila. Nalungkot nanaman ako bigla dahil aalis nanaman ang asawa ko. Maiiwan nanaman akong mag-isa buong araw.

Agad na niyang tinapos yung pagkain niya saka siya tumayo at inayos yung black coat at necktie niya.

kung pwede lang na wag nalang, kung pwede lang dito ka nalang, kung pwede lang na mahalin mo nalang ako ng buo, kung pwede lang Van...

"Aalis na ko, I lock mo yung pinto at wag kana uminom ng marami lalo na't mag-isa ka lang." wika niya saka siya lumapit sakin at nag iwan ng halik sa noo ko. "I'll be home on time." Huling sinabi niya bago siya tuluyang umalis.

Napangiti nalang ako habang kinikilig dahil sa ginawa niya.

'I love you Van....' wika ko pero nakaalis na siya.
nakaramdam nanaman ako bigla ng lungkot.

I hope you also can say those words...

Broken MarriageWhere stories live. Discover now