Her Legend: Dark Secret Reveal
Chapter 1
-first-
October 15, 2190 NAIA
"Are you sure, in this country you would like to stay?" tanong ng kasama ko pagkababa namin ng eroplano. Hindi ko siya pinansin, sa halip naglakad lang ako palabas.
"Tingnan mo ang isang to" rinig kong reklamo niya, pero sumunod narin sa akin.
I am Shiela Mae Sanchez, 19 years old. Kung titingnan, iisipin niyong mabait ako dahil sa pangalan palang. Pero nagkamali kayo, dahil isa akong cold, di nakikipag-usap sa hindi ko kilala at kahit kilala ko man, piling-pili lang ang salitang binibitawan ko.
"Hey! Hintayin mo naman ako" sabi ulit ng kasama ko habang hindi magkandaugaga sa pag bitbit ng mga bags niya.
Tumigil naman ako para hintayin siya pero hindi ko siya nilingon. Hawak ko ang strap ng backpack ko na nakasukbit sa kaliwang balikat. Seryoso akong tumingin sa paligid.
Pumunta ako dito sa pilipinas hindi dahil gusto kong takasan ang mga nangyari sa pinanggalingan kong bansa, kundi gawing miserable ang buhay habang nakatira dito.
"Hay salamat, mabuti naman at may PUSO ka padin kahit papano" hinihingal niyang sabi at inimphasize pa talaga ang salitang puso.
"Psh" sabi ko at nagpatuloy na ulit sapaglakad. Bakit ba kasi nagpupumilit na sumama ang isang ito. I'm sure pakana na naman ito ng matandang uugod-ugod na iyon. Ano pa ba kasi ang habol nila sa akin, ibinigay ko na sa kanila lahat, even the business of my father. Di ba dapat tatantanan na nila ako? I want to live on my own.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad at hindi na pinansin ang reklamo ng kasama kong hinihingal na sa kakahabol sa akin. Gusto niya yan kaya bahala siya. Kasalan ko ba na mabagal syang kumilos.
Nasa labas na ako ng airport at nagpalinga-linga kung may taxing dadaan, but obviously walang dumaan doon kaya kailangan ko pang maglakad ulit para pumunta sa pinakahighway. May iilang taxi namang nakaparada pero hindi ko gusto ang uri ng mga tingin nila sa akin. Tss' mga lalake nga naman.
"Shie" tawag ulit ng kasama ko.
"What?" asik ko sa kanya ng tuluyan siyang makahabol sa akin. Pero hindi pa siya nakakasagot ng may tumigil na itim na sasakyan sa harap namin.
Nangunot ang noo ko saka inihanda ang sarili. Gusto kong gawing miserable ang buhay ko, kaya hindi pa pwedeng mamatay. Kulang na kulang iyon para mabayaran ang lahat ng kasalang nagawa ko, hindi lang sa pamilya ko pati narin sa ilang inosenteng taong nadamay dahil sa kagagahan ko.
"Welcome to the philippines young lady" bati ng isang lalaking naka all black suit at kung titingnan mukha siyang butler.
Literal na nanlaki ang mga mata ko at inis na nilingon ang lalakeng katabi ko ngayon. Napataas naman bigla ang dalawang kamay niya habang matigas na umiiling.
"I have no idea" paulit-ulit niyang sabi.
Napabuntong - hininga ako.
"Who ask you to pick me?" cold kong tanong sa butler habang seryoso siyang tinitigan.
"M-master Bryle" nauutal niyang sagot halatang takot sa akin.
"Go home" sabi ko ulit at nagsimula nang maglakad palayo.
"B-but young la-" naputol ang sasabihin niya ng lingonin ko siya at tiningnan ng masama.
"Blake?" tawag ko sa kasama ko na hindi manlang tinitingnan.
BINABASA MO ANG
Her Legend: Dark Secret
ActionHer Legend Kwento ng isang babaeng tumakas sa nakaraan. Ginawa niyang miserable ang buhay, dahil naniniwala siyang yun lang ang tanging paraang naisip niya, para pagbayaran ang ano mang maling ginawa niya. Nang dahil sa kanya, nawala silang lahat. S...