REIN'S POV
"Hindi. Mas naging maganda ka." hindi ko makalimutang sabi sa akin ni Rj. Loko talaga 'to! Galing galing magpakilig eh. Maniniwala na ako nyan. Hahaha.
"Ano na naman bang bibilhin mo sa Makati ha?" natanong ko nalang sa kanya para mawala yung pagiging awkward ko.
"Canvass tsaka paintbrush."
"Nako Rj! Ibibigay mo na naman yan kay Kathy noh?" pagtatanong ko. Si Kathy, sikat na cheerleader at pinopormahan niya ngayon sa campus namin.
Hindi siya sumagot sa akin pero alam kong tama ang hinala ko. Sakit! Parang nadurog bigla ang puso ko. Sabi na nga ba eh, hindi talaga tama na mag-expect ako sa kanya kasi magkaibigan lang kami at impossibleng magka-ibigan kami. Matagal ng playboy yan si Rj. Rami na kayang babaeng napaiyak niyan. Matagal ko na din siyang pinagsasabihan na magseryoso siya pagdating sa relasyon niya kaso walang epekto eh. Hindi pa talaga siya nakakahanap ng makakatapat at magpapatino sa kanya.
"Text mo ako kapag nakauwi kana." bilin niya sa akin ng makaparada na sa tapat ng VN Media yung sasakyan niya.
"Ok! Thank you sa paghatid sa akin." nakangiti kong paalam sa kanya. "Mag-ingat ka."
"Oo naman. Ikaw rin." sabi niya sa akin. Hindi ko na siya pinababa sa kotse niya. Binuksan niya nalang yung automatic window ng kotse niya tsaka nakangiting kumaway at kumindat pa sa akin ang loko. Sige nga! Paano ba talaga ako seryosong magmu-move on sa kanya kung ganyan ang ginagawa niya? Ay este! Hindi naman pala kami. Asa-asa rin Rein. Hahaha..
"Kuya!" excited kong sigaw at bati ng makita ko ang kuya ko.
"Lower down your voice please." inirapan ako ng kuya ko tapos may tinago siyang brown envelope sa drawer niya. Malamang schedule niya yun o di kaya lyrics ng kakantahin niya.
"Sungit talaga" lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya kaya wala siyang nagawa. "I miss you, kuya!"
"Ang OA mo Rein. Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita ha?" Grabe talaga ang kuya ko sa akin eh nuh! Laging seryoso.
Siya si Kuya Jeric Tan. Tama kayo ng nabasa, kapatid ko lang naman ang isa sa pinakasikat, pinakamagaling kumanta at pinakagwapong lalaki na tinitilian ng maraming kababaihan ngayon.
Nakakatuwa yan si kuya kasi kahit lagi nya akong pinapagalitan, alam kong mahal na mahal nya ako. Wala siyang choice kasi kami lang dalawa ang magkapatid eh. Hahaha.. Tsaka, laging nasa ibang bansa ang parents namin kaya sanay na kaming laging magkasama. Nagbago lang ang lahat ng sumikat at nakilala siya. Sa ugali ng kuya ko, walang pinagbago pero ang nalungkot ako kasi mas naging busy siya sa schedule niya kaya madalang lang kaming magkasama tsaka may limitations na rin yung mga gala namin dahil kapag nakita siya ng mga fans niya, hinahabol siya.
"Eh sa namiss kita kuya eh." humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at nag-crossed arms siya, sabay irap sa akin.
"Ito naman, nagtampo agad. Come on, ililibre kita para makabawi naman ako sayo." nakangiting sabi ng kuya ko.
"Talaga kuya?" biglang nagliwanag ang mukha ko. Sabi ko sa inyo eh, sweet naman din sa akin ang kuya ko. Parang si Rj.. Hmmm.. Bakit nga ba siya sumingit sa isip ko?
"Oo nga. Ayaw mo ba?" sabi ng kuya ko kaya nagpabalik ako sa katinuan ko.
"Kuya naman. Hindi mabiro eh. Lika na kuya." sabay hila ko sa kamay niya. Syempre, hinatak ko na siya. Mamaya magbago pa ang isip eh. Hahaha.
"Wait." tsaka niya sinuot yung shades at cap niya. As usual, disguise mode na naman ang kuya ko para hindi pagkaguluhan ng mga fans.
"Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya sa akin habang nasa kotse na kami.
"I heard kuya may bagong bukas na restaurant sa Boulevard. Could we give it a try?"
"Sige, para maiba naman."
"Yes kuya, tsaka konti at class daw masyado yung mga tao dun so no need for you to disguise."