REIN'S POV
Ako si Rein. 2nd year college student taking up Bachelor of Science in Tourism Management dito sa Ateneo de Manila. Tama kayo, gusto ko kasing maging isang flight attendant (FA).
Bata pa lang ako, tuwang-tuwa ako kapag nakakapanuod ako sa TV ng magandang babae, matangkad, nakaayos, merong suot na cute na sumbrelo at pusturang-pustura na hinahatak yung black niyang suit case. Feeling ko umaapaw ang self-confidence nila kapag nakasuot na sila ng kanilang uniform at naka make-up na. Dyan nagsimula ang pangarap ko. Bukod dun, gusto ko ding magtravel around the world. Pangarap kong makapunta sa iba't-ibang sulok ng mundo; makita at ma-experience ang culture nila.
Nandito na ako sa canteen ng school namin kasama si Aubrey, classmate at long time bestfriend ko siya. Bata pa lang ako, magkaibigan na kami kaya parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
"Matagal pa ba si Rj?" tanong niya sa akin.
"Malapit na daw siya. Kakatext lang sa akin."
"Grabe! Gutom na gutom na ako eh." pag-amin sa akin ng bestfriend ko.
"Rein!" pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses tsaka ako tumingin sa harap.
Nakangiti siyang kumaway sa akin. Bakit ang gwapo talaga ng lalaking 'to? Si Rj Cruz, katulad ni Aubrey matagal ko na din siyang kaibigan. Oh! Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano dahil proud to say at very much confirmed kung sasabihin sa inyo na straight na lalaki talaga ang kaibigan ko at hindi siya bakla. In fact, sobrang babaero niya. Sobrang sweet din niya kaya nga hirap na hirap akong paglabanan ang damdamin ko sa kanya. Konting-konti nalang mahuhulog na ako sa kanya eh. Yun lang, alam kong wala siyang balak saluhin ako. Sobrang taas ng standards ng kaibigan ko. Lahat ng pinormahan niyan, sikat dito sa campus namin.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Rj na hindi ko namalayang nakalapit na sa amin.
"Ay oo! Kaninang-kanina pa Rj! Gutom na gutom na ako!" si Aubrey ang sumagot tapos nagmamadaling pumila doon sa may counter.
"Sorry." maamong pagkasabi ni Rj sa akin. Yung seryosong mata niya na nakatingin sa akin. Oh my! Nakakalaglag sa upuan eh.
"Ok lang. Hayaan mo na si Aubrey. Sobrang gutom na talaga ang friend natin." natatawa kong sabi sa kanya.
Nang makabalik na si Aubrey sa table namin, kaming dalawa naman ni Rj ang pumila sa may counter. Inabutan niya ako ng plato, kutsara at tinidor tapos nung makumpleto na yung order namin siya na ang nagbitbit ng tray.
Pagbalik namin sa table, inayos ko yung mga plato namin tsaka ko inabot yung kutsara't tinidor kay Rj.
"Alam ninyo kung hindi ko kayo kaibigan, iisipin kong mag-boyfriend at mag-girlfriend kayo." pagpansin sa amin ni Aubrey.
Nasamid ako sa sinabi ni Aubrey. Iba din 'tong bestfriend ko eh. Hindi ako ininformed sa mga banat niya.
Inabutan naman ako agad ni Rj ng baso na may tubig at ininom ko agad.
"See! Ang sweet ninyo kaya!" nagkibit balikat ang bestfriend ko.
"Wow best! Si Rj talaga ha?!" nasabi ko nalang na natatawa. Pero yung totoo kinikilig ako. Hindi ko din kasi maamin kay Aubrey yung nararamdaman ko kay Rj kasi baka ilaglag niya ako at ito ang maging dahilan ng pagkasira ng friendship naming tatlo.
"Wow ang choosy masyado Rein ha!" natatawang sagot naman ni Rj. "Ang gwapo ko kaya." tapos kumindat siya sa akin at nilabas ang killer smile niya.
"Yan! Dyan maraming nabibiktima yang ngiti at kindat mong yan."
"So nabiktima din ba kita ha, Rein?" nang-aasar nyan sabi sa akin.
"Nako! Tigilan mo nga ako Rj! Hindi uubra sa akin yan!" Talaga ba Rein? Tanong ng isip ko. Eh, kulang nalang malaglag ka sa upuan dahil sa sobrang kilig mo.
Normal na sa amin ni Rj mag-asaran. Minsan sobrang maiinis na ako kapag nanunukso siya at minsan naman parang mas matamis pa siya sa asukal kapag umaatake ang pagka-sweet niya. Dumadating talaga sa point ng buhay ko na nahihirapan ako kasi feeling ko totoo na yung pagpapakilig niya sa akin. Only to find out na nasa personality niya talagang maging sweet at friend lang talaga ang tingin niya sa akin.