Drake's POV
First day namin bilang Senior Highschool sa Unibersidad na pag mamay-ari ng kaibigan ng pamilya ng kaibigan kong si Amiel Blake Radford na pinsan naman ni Wyron Blue, kaibigan rin namin. Actually, Lima kaming magkakaibigan, Ako, si Wyron, si Andre Jones, si Amiel, at si Neon Grayson. Si Wyron ang pinakabata at isip-bata.
Magkakaklase kaming tatlo nina AJ at Neon, ang dalawang napakasungit daig pa ang babaeng may dalaw.
Nahiwalay samin ang magpinsan kasi HUMSS ang kinuha nilang strand at STEM naman kaming tatlo nina Neon at AJ. Doon sila sa HUMSS building at nandito kami ngayon sa STEM Building.
Nang makapasok kami sa room wala pa gaanong tao pero marami naman pero konti lang naman talaga mga nasa sampo palang siguro. Pumwesto kami sa second row sa bandang kanan eto namang si Neon Pumwesto na sa tabi ng bintana, As usual, Pinagitnaan ako ng dalawang reglamador.
"Introduce yourself nanaman hehe",sabi ko sakanila pero dedma lang ako kay Jones at tinanguan lang ako ni Neon.
'Tsk! Badtrip naman tong mga to parang walang pinagsamahan. Bahala sila basta magseseryoso na ako ngayong school year hehehe lalo na sa Math, Lintek na Math.'
"Uyy, Drake!", nilingon ko kung sino yun.
"Uyy Morris, dito ka rin palang hayop ka!", si Morris lang pala classmate namin dati sa Drafting noogn Grade 10.
"Oo HAHAHA pati nga si Kenth eh 'di ka ba nagbabasa ng Master List?"
"HAHAHA apelyido ko lang tinignan ko eh, nagiisang letter 'O', Oyler. ",pagyayabang ko kunware.
"HAHAHAHAHA Halos lahat ata ng mga nasa school natin dati dito nagsilipatan eh, Nandito kasi kayo namimiss namin yung banda niyo eh"
"HAHAHA kami ba nagbabayad ng tuition nila? jjarok!",biro ko. Natigil lang yung usapan namin nung dumating na yung Prof namin. Hindi ko namalayan ang dami na pala namin.
'Shet, Introduce yourself na.',dinig kong bulong ng babae sa likod ko.
Sunod-sunod kaming magpapakilala ako na sunod kay Morris kasi ako yung katabi niya nakipagpalit ako kay AJ kanina ng puwesto para lang makipagdaldalan dito sa hayop na to. At nung turn ko na tumayo na ako upang magpakilala.
"I am Drake Oyler, 17 years old, I am from Forve Highschool. That's all, Thank you.", pagpakilala ko.
"Talent?", si Prof
'Oo nga pala'
"Wait.", kinuha ko yung cellphone ko at nagbrowse sa gallery ng mga nakasaved na artworks ko at pinakita ko sa kanila. Pwede na siguro yun bahala na. Next na hehe.
"My name is Andre Jones Gardner, you can call me AJ if you want, I don't care. I'm also from Forve Highchool.", nilabas niya yung sketchpad niya at pinakita yung mga drawings niya. Si Neon na, Malamang drawings din kay Neon Drafting eh hehehe.
"I am Neon Grayson.", malamig na sabi nito at tama nga ako pinakita niya rin yung mga laman ng sketchpad niya.
'Abnormal talaga haha.'
Next na yung nasa likod namin na babae na bumulong kanina na halatang kinakabahan. Magpapakilala lang eh.
"Ako po si Arabela Rean, 15 years old galing rin ho akong Forve Highschool. ", pagpapakilala nito. Schoolmate ko pala siya dati kaya pala Familiar. Ah, siya yung tibo na pagala gala dati sa school.