Kanina pa hindi pinapansin ni Maymay si Edward. Naiinis kasi sya dahil lantaran na syang tinanong ni Edward kanina sa Asap.
"Hey jowa. Galit ka pa rin ba?"muling tanong ni Ed kay Maymay.
"Edward napag-usapan naman na kasi natin ang bagay na to. Bakit naman kasi kanina nagtanong ka ng ganon?"may inis na tanong ni Maymay.
"Alin? Yong bang tanong na kung natatakot ka sa nararamdaman mo?"
"Oo yon nga"
"Sorry na jowa,hindi na kasi ako makapag pigil. Gusto ko na kasing umamin tayo"
"Hindi pa---
"Ano hindi nanaman? Maymay naman,hanggang kailan ba ako maghihintay? Kailan pa ba ako magtitiis sa ganitong sitwasyon?"inis na rin abi ni Edard.
"Ed napag-usapan na natin ito"
''Oo napag-usapan na natin ito. Pero lagi mong sinasabi na hindi ka handa. Minsan gusto ko na ngang magtanong. Tanongin kung seryuso ka ba sa relasyon natin o hindi"
''Hindi pa nga kasi panahon"
"Hindi pa? Maymay ang tagal na natin. Ang tagal ko na rin hinihintay na umamin tayo. Kulang pa ba ang paghihintay ko? O may balak ka ba talagang umamin?"
''Ed---
''Alam mo Maymay pagod na ako eh. Napapagod na akong kakahintay na sabihin mo sa lahat na tayo na. Pero kahit pagod na ako,iniintindi ko dahil mahal kita. Mahal na mahal kita May"
"Mahal din naman kita"malamlam na matang sabi ni Maymay,ngunit umiling lang si Edward.
''Kung mahal mo ako,patunayan mo"tanging nasabi ni Edward bago walang lingong-likod na umalis at iniwan si Maymay.
Naiwan si Maymay na nag-iisip sa dressing room hanggang dumating si Patricia.
''May kain tayo. Gutom na ako. Libre mo huh?''ang sabi nyang hindi man lang tumitingin sa mukha ni Maymay.
Marahil ay nagtaka sya kung bakit hindi ito sumagot,kaya tinapunan na nya itong tingin.
Doon nya nakita ang lungkot sa mata ni Maymay.
''Uy,ok ka pang ba? May problema ka ba? Pwede mong sabihin saakin makikinig ako''
Huminga ng malalim si Maymay at ikinuwento ang lahat-lahat mula sa simula.
''Ibig sabihin matagal na talaga kayo?''gulat nyang tanong kay Maymay.
''Oo,matagal na rin kami. Isang taon na rin"
"Hayy,kaya naman pala. Alam mo Maymay kung ako man ang nasa katayuan ni Edward magagalit din ako. Para kasing kinakahiya mo sya eh"
''Hindi ko sya kinakahiya. Mahal ko sya"
''Kung mahal mo nga si Edward gaya ng sinasabi mo,bakit hindi mo magawang umamin? Alam mo naman na lahat ng fans nyo yan ang hinihintay?''pagtatakang tanong ni Pat kay Maymay.
Huminga ng malalim ang dalaga bago sumagot.
"Oo yan ang gusto nila. Pero paano naman ang ibang taong ayaw maging kami?''
''Caredo mo naman sa kanila? Lagi mo nalang kasing iniisip ang sasabihin nila sayo. Hayaan mo sila. Mamatay sila sa inggit,kesa naman ganyan kayo ni Edward. Tsaka ano pa ba ang iniisip mo at ikinakatakot mo? Di ba nga si Edward na ang nagsabi na wala ng ibang loveteam? Doon palang kung tutuusin makakahalata na ang tao na may tinatago kayo."mahabang litanya ni Pat.
''Ewan ba. Ngayon lang ako naging ganito"
"Maymay,,hayaan mo sila. Ang importante lang naman masaya ka at walang tinatapakang ibang tao"
Hingang malalim lang ang naging sagot ni Maymay,bago nag isip ng tamang gagawin...
BINABASA MO ANG
OFF CAM(MAYWARD)
Historia CortaAno nga ba ang nangyayari sa Mayward kapag nasa likod na ng camera?