chapter 1

27.9K 241 4
                                    

Sweet JJ's

Pinanlisikan ni Shanna ang kaibigan niya na si Olivia nang sinubukan nitong kunin ang paborito niya na strawberry flavored cake. Katatapos lang ng klase nilang dalawa at 'pag break ay dito sila tumatambay na dalawa habang hinihintay ang susunod nilang klase. Kumukuha silang dalawa ng kursong nursing at nasa 4th year na sila. Noong nakaraang anibersaryo ng Unibersidad ay siya ang pinili ng department nila na sumali sa pageant. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok, makipot ang labi at may taglay na magandang mukha. Ang sabi nila brain and beauty. Naging dahilan iyon para sumikat siya at sa tuwina ay may sumusubok na manligaw sa kanya. Ngunit unang araw pa lamang ng panliligaw nila ay lantaran na niya silang tinatanggihan. Karamihan tuloy sa kanila ay nawawalan ng interest at umaatras na pinag-pasalamat niya. Wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng boyfriend at gusto niyang ituon ang pansin sa pag-aaral niya. Magugulo lang ang pangarap niya 'pag nagkataon.

Ang cafe kung nasaan sila ngayon ay ang sikat na canteen sa labas at harap ng Cheng University na pag-aari ni Junjay Cheng na siya ring namamahala sa Unibersidad. Sikat itong tambayan ng mga styudante para magmasid sa labas.

"Subukan mong galawin 'yan at ibubuhos ko sa'yo itong tubig sa harap ko," banta niya sa kaibigan na
sumimangot at agad binawi ang kamay. Sumandal pa ito sa silya at lumabi sa kanya.

"Tikman ko lang naman kung ano ba ang nagustuhan mo at lasa ng sweet strawberry na yan," pairap na wika nito.

"'Di mag-order ka ng sa iyo. Huwag mong galawin ang pagkain ko. Akala mo naman hindi ka pa nakatikim ng strawberry," taas-kilay na sikmat niya sa kaibigan.

"Ayoko nga! Kaya nga gusto kong tikman baka 'pag nag-order ako. Ayaw ko pala ang lasa. Sayang lang ang pera ko at magsasayang lang ng pagkain," maarteng bigkas nito.

Pinaikot niya ang mata. "Eh, 'di kainin ko para hindi masayang. Problema ba 'yun?"

Tumaas ang kilay ni Olivia. "Yan, eh! Pasimple ka pa. 'Di mo pa deneretso na kulang 'yang kinakain mo at gusto mong ilibre kita."

Matamis siyang ngumiti rito bago muling sumubo. Umismid naman ito at tumingin sa paligid.

"Grabe! Ang guwapo talaga ni Karl. Nakakatakam!" akala mo ay naglalaway na bulong ni Olivia nang makita nito sa may counter ang binata. May isang babae pa na nakaabrisete sa braso nito.

"Saan naman siya nakakatakam? Eh,  buti sana kung matangkad siya. Mas matangkad pa nga ako kaysa sa kanya," hindi interesadong wika niya.

Pinandilatan siya ni Olivia. "So? Hindi  naman problema ang kapandakan niya basta expert siya sa bed. Saka may looks din naman siya."

"'Yan lang ba ang dahilan para habulin siya ng mga babae!" paismid na bigkas niya.

"Oo," tugon nito at nang-aakit na nakipag-titigan ito kay Karl na lumingon sa gawi nila. Isa ito sa notorious playboy ng campus nila na akala mo ay naligo ng gatsby dahil sa tayong-tayo na buhok nito. Marami ang naakit dito gayong para sa kanya ay ordinaryo lamang ang mukha nito na 'pag itatabi sa mga sikat na modelo ay hindi mapapansin. Idagdag pa na mas matangkad siya rito at umabot ito sa may taynga niya. Isa pa iyon sa bawas pogi points ng lalaki.

Napapailing na yumuko na lamang siya ng ulo para hindi na makita kung paano kumutitap ang mata ng kaibigan habang nakikipag-titigan kay Karl. Kung wala sigurong kasama ang lalaki ay paniguradong lumapit na ito sa gawi nila.

Hindi na niya pinansin si Olivia at nag-concentrate na lamang sa kinakain at trinatong hangin lamang ang kaibigan. Hinayaan niya itong tumingin sa bawat sulok ng canteen para makipag-kindatan sa kung sino mang lalaking makikita nito. Sa pagkakayuko ay hindi niya napansin ang pagpasok ng isang 'babae' sa canteen at nakuha pa ang atensyon ng iba na nagbubulungan.

Friendship Series 1- Sa Init Ng Iyong Halik SPG(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon