chapter 2

12.5K 153 1
                                    

Katatapos lang ng shift ni Shanna sa call center na kung saan siya pumapasok at nag pa-part time job nang gabing yun. Hindi naman kase sila mayaman para magbuhay prensisa siya. Kailangan niyang magtrabaho para sa lahat ng gastusin niya sa eskwelahan at pang araw-araw na gastusin din nila sa bahay. Nagpapasalamat pa nga siya dahil isa siyang scholar sa pinapasukan niyang eskwelahan at nakakapag aral sa isang private school na paaralan, katulad ng Cheng University. Kilala ang pinapasukan niya na paaralan ng mga mayayaman, Kung may dukha man na nag-aaral dito ay sila yung may pangarap sa buhay na makatapos at scholar ng foundation ng Cheng University na sinusuportan nito.

Isang tindira ng gulay ang kanyang ina sa palengke at hindi sapat ang kinikita nito para sa gastusin nilang mag-ina kaya kailangan niyang magtrabaho kahit nag-aaral pa siya. Pakiramdam man niya ay hindi na kaya ng powers niya, tinatatatagan pa rin niya ang loob. Namatay ang tatay niya noong edad trese siya sa car accident. Bumangga ang minamaneho nitong jeep sa isang 10 wheeler truck noong pauwi ito galing sa pamamasada. Nang mawala ang tatay niya ay pakiramdam niya, gumuho ang buong mundo niya sa insidenteng yun, hinihintay pa naman niya ang ama na umuwi para ibalitang siya ang nauuna sa klase pero ang sumalubong sa kanya ay ang bangkay nito at hindi na humihinga. Hindi siya makapaniwala at parang nananaginip lamang siya, nang dalhin na ito sa huling hantungan saka lamang niya matanggap na wala na ito at iniwan silang mag-ina. Nakita niya kung paano napilayan ang kanyang ina sa pagkawala ng ama, Kung paano nito pilit hinila ang katawan para magtrabaho at ngumiti sa harap niya kahit bakas ang pagod at paghihirap sa mukha nito. Ibayong pagtitiis ang kinailangan nilang harapin ng kanyang ina noon para lamang makaraos sila, At sa tulong ng ilang kaibigan at pananalig sa maykapal ay nakaraos sila sa matinding hirap ng kabuhayan. Hindi man sila yumaman ay kumakain pa rin naman sila tatlong beses isang araw at masaya silang mag-ina. Pero kailangan pa rin niyang magtrabaho para tulungan ito at magtipid hanggang sa makatapos siya. Pangarap niyang iangat naman ang buhay nilang mag-ina at mabigyan ng ginhawa ang paghihirap ng nanay niya para lang makatapos siya ng pag aaral.

"Mauna na ako sayo Camille" paalam niya sa isa sa kasamahan niya sa trabaho.

"Ingat ka sa pag uwi Shanna. Naku marami nang may masasamang loob ang nagkalat ngayon" paalala nito kaya nakangiting tumango siya.

"Salamat"

Habang naglalakad siya sa lobby ng building na pinapasukan niya ay ginalaw-galaw niya ang nangangalay at namamanhid niyang leeg. Pati na nga lalamunan niya ay nanunuyo na sa kakasalita, nakalimutan pa naman niyang magdala ng tubig.

Nang makalabas siya ng gusali ay mabagal na naglakad siya sa sidewalk papunta sa may sakayan ng Jeep, umuusal pa siya ng maikling panalangin na sana maayos siyang makakauwi sa bahay nila at hindi makasalubong ng masasamang tao.

Hindi niya mapigilan ang mapahikab at kinusot ang mata dahil sa antok. Parang gusto na niyang humiga sa nadaraanan niyang flowerbed at matulog.

She sighed, binilisan na niya ang paglalakad para makarating siya sa sakayan at makauwi, may klase pa siya bukas at kailangan niyang matulog para may lakas siyang pumasok sa eskwelahan. Hindi pwede ang salitang tamad sa kanya dahil sa mga pangarap niya sa buhay.

Nag-freeze ang panga niya sa aktong paghihikab muli nang may kotseng biglang huminto sa tapat niya. Kumunot ang noo niya, nasiraan ba ang driver ng kotse na to? Puno ng kuryusidad na tinignan niya ang magarang sasakyan, gusto niyang mainggit sa taong may-ari ng sasakyan. Kung may kotse lamang siya kahit second hand lang ay hindi na niya kailangan pang mag-commute.

Humahanga pa siya sa kagandahan ng kotse nang bumukas ang pinto sa may driver side, nabaling ang tingin niya dito. Nang tumingin ang driver ng kotse sa gawi niya ay nagulat siya ng mamukhaan ito. Ito yung babae sa sweet JJ's na nakita nila ni Olivia kahapon, medyo natamaan kase siya ng ilaw ng street light malapit sa gawi niya kaya nakita niya ang mukha nito. Napasunod ang tingin niya dito nang swabeng maglakad ito papunta sa gawi niya. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan, nakakainggit din ang mahahabang biyas nito na habang naglalakad ay very powerful. Nakatali ng maayos ang buhok nito kaya lalong lumabas ang magandang mukha nito na papangarapin ng lahat na sana ganun din ang mukha nila.

Friendship Series 1- Sa Init Ng Iyong Halik SPG(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon