chapter 3

10.9K 162 2
                                    

Lutang ang isip na naglakad siya papasok ng Sweet JJ's. Hindi siya nakatulog ng mahimbing nung umuwi siya kaninang madaling araw pagkagaling sa hospital. Kahit pilit niyang binubura ang sinabi ng lalaki sa kanya kanina ay parang sirang cassette na paulit ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang tanong ng lalaki. Hindi lang yun, natatakot siyang bigla nalang sumulpot ang lalaki at singilin siya sa ginawa niya, sa tingin pa naman niya ay madali lang para sa estrangherong yun na hanapin siya at pagbayarin, lalo pa at nung sinabi ng doctora na umuwi siya ay umuwi na talaga siya nang hindi nagpapakita dito.

Saglit siyang huminto at hinanap ng mata niya si Olivia. Nakita agad niya ang kaibigan na nakatingin sa cellphone nito. Naglakad siya palapit sa kaibigan at pahinamad na naupo sa silyang nasa katapat nito. Sumubsob agad siya sa mga braso at pumikit sabay buntong hininga. Bumibigat na talaga ang talukap ng mata niya at gusto niyang matulog.

"Oh? Anong nangyari sayo at nagmukha kang panda? Para kang nakipag s*x ng magdamag at hindi natulog?" Tanong nito pagkaupo pa lamang niya.

Napaungol siya sa pagkaasar, ngayong kulang na kulang talaga siya sa tulog ay mainit ang ulo niya at wala siya sa mood makipagbiruan dito.

"Oh please!!!" Bulalas niya at lalong sumubsob sa mga braso niya.

"I'm telling the truth. Ang haggard ng itsura mo" hirit pa nito

"Hindi ako nakatulog kagabi kaya ito, inaantok na nga ako masakit pa ang ulo ko. Nakauwi sana ako agad pagkatapos ng trabaho ko pero dahil sa bwisit na lalaking yun…." Nanggigigil na kinuyom niya ang kamay.

"Lalaki? Don't tell me may kasamahan ka sa trabaho na nangharang sa'yo!" Excited na turan nito

"Hindi, kagabi pagkatapos ng shift ko at pauwi na ako bigla ba namang huminto sa tapat ko ang isang kotse at bumaba ang driver nun, that pervert!! tanungin ba naman ako kung magkano daw ako kahit isang gabi lang? Mukha ba akong prostitute sa tingin niya?" Naiinis na litanya niya.

"Huh! Ikaw mukhang prostitute? Eh mahihiya pa yata si Maria Clara sayo dahil sa pagiging inosente mo. Compared to her wala kang kahit ni isang naging boyfriend. At least si Maria Clara may Ibarra ikaw wala. At sino namang pincio pilato ang nagtanong sayo ng ganyan?" Nakaarko ang kilay na tanong nito

"Naaalala mo yung sinabi mong babae na nakatingin sa akin? Lalaki pala yun. At grabe ha! Kung anong kinaganda ng mukha umaalingasaw naman ang kamanyakan niya sa katawan!! Grabe naiinis at umiinit pa rin talaga ang ulo ko pag naaalala ko ang sinabi niya sa'kin." Hindi na maipinta ang mukha niya nang mag-play muli sa utak niya ang nangyari kagabi.

"Paanong naging lalaki yun? Eh ang beauty niya, papasa na bilang isang artista" Gulat na bulalas nito

"Bakit mo tinatanong sa akin. Hanapin mo and bastos na yun at tanungin kung bakit naging lalaki siya" sarkastikong turan niya

"Bakit ko siya hahanapin, nagulat lang ako na malamang lalaki siya. Hindi halata sa mukha niya" sabi nito

"Akala ko gusto mong malaman." Inagaw niya ang iniinom nitong kape at humigop pagkatapos ay inilapag "bakit mo pa ako tinawag dito? Pwede mo naman akong hintayin sa room"

"Wala lang. Gusto ko munang tumambay dito, ang daming guwapo dito eh" nakangising wika nito

Napapikit siya sa inis. Seriously, Pinapunta lang siya dito ng babaeng to para lang magbilang kung ilang lalaki ang pumapasok dito?

"Ugh!! Nakakainis talaga iyang kalandian mo" turan niya

"Hoy! Kahit malandi ako. Inosente pa ako sa ibaba noh!!" Defensive na bigkas nito

"Ows! Sa mga salitang lumalabas sa bibig mong yan Virgin ka pa ba?" pang aalaska niya sa kaibigan.

Sumimangot ito at uminom sa kape nito. Alam naman niyang virgin pa and kaibigan niya at hindi nagsisinungaling nang sabihing malinis pa ito at walang karanasan. Masyado lang talaga itong open minded, Karamihan kase sa mga kaklase nila ay nagkukwentuhan tungkol sa karanasan nila sa kanilang kasintahan at madalas nakikisali si Olivia para makinig.

Friendship Series 1- Sa Init Ng Iyong Halik SPG(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon