Chapter IX (Harrison pt. 1)

1.1K 17 0
                                    

Pag alis ko sa bahay ay tinawagan ko si mom at tinanong kung anong oras ang uwi ni Ryou. I want to surprise visit the Harrison at bukas pa ang Anniv nila. Pagdating ko rito sa Harrison ay mukhang wala pa ring pinag bago.

"Sino siya?"

"Para siyang model"

"Oh my gosh baka artista siya?"

"New student?"

"Ang ganda niya"

Mga naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway papunta sa office ni tito blake. Pagdating ko naman sa harap ng office ay kumatok ako.

"Come in." sabi ni tito blake from inside kaya binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang busy sa mga papers na nasa table nya. He's still the same tito blake.

"Busy?" Tanong ko sa kanya kaya nilingon niya ko at batid ang gulat sa kanyang mukha.

"Is that really you reinally?" Gulat pa niyang tanong sakin kaya tumango ako sa kanya.

Pinaupo naman niya ko sa tapat niya at pinaulanan ng madaming tanong. Sinagot ko naman lahat ng tanong niya at sinabe ko ring kasama ko si camilla pabalik dito at nasa bahay nila.

"Tito blake anong oras ang break time nila dito?" tanong ko sa kanya at tinignan ko rin ang oras sa cellphone ko.

"5 minutes from now." sabi niya sakin kaya tumayo na ko para pumunta ng canteen. I know na nasa canteen sila.

"Sige tito blake mauuna na muna ako and please dont tell to my parents that im here. I want to surprise them." sabi ko sa kanya at tumango naman siya sakin.

Paglabas ko sa office ni tito blake ay madami na akong nakakasalubong na mga estudyante na magtatake rin ng break nila ng may humarang sakin na grupo ng mga kababaihan.

"Why?" Tanong ko sa kanila at nagsisikuhan pa sila kaya napataas ang kilay ko tss freshmen.

"A-ate pwede pong papicture?" sabi ng isa kaya imbes na mapahiya sila ay pumayag na ko. I'm not rude sometimes. Nang matapos silang makipagpicture sakin ay nagpaalam na ko para pumunta sa canteen. Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita ng pwesto nila Ryou kasama sila Agatha kaya naman naglakad ako papunta sa pwesto nila.

"Kayong tatlo wag na kayong mambubully okay? Lagi na lang kayong napapasama sa gulo." sermon ni agatha sa kanilang tatlo.

"Cola siguro naman napagsabihan ka na nila mommy? Magtino ka." Sabi ni kiro sa kapatid niyang nakikipag asaran kay theo at hindi nakikinig sa kuya kiro nila.

"Also the both of you, Ryou and Victoria." Sabi ni ryusie ang pinaka tahimik sa kanila. Himala na lang kung magsalita.

"Hindi porket wala sila kuya Oliver at kuya Janus dito pa easy easy na lang kayo. Naku isusumbong namin kayo." Sabi ni zimmer sa dalawa at mukhang di pa ko napapansin.

"It's not our problem naman ate zimmer eh, they started it so we just going to end it." Pagrarason pa ni victoria.

"Naku yang rason mo victoria ah." sabi ni zimmer kaya napanguso naman si victoria. Mga pasaway talaga.

"Ikaw rin Ryou." sabi ni Ryusie kay ryou kaya naman sumabat na ko.

"Hey brat." tawag ko kay Ryou kaya sabay sabay silang napalingon sakin at lahat sila ay nanlalake ang matang nakatingin sakin.

*************************
Reunion? hahahaha
Agatha and Zimmer Valdez is twin sister, Shaianez and Kelvin Valdez daughters. They are part of ATRION Officers. Agatha and Zimmer is 18 years old.

Fall (Book 2 Of TCPG) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon