Chapter XLV

855 17 0
                                    

Janus POV:
Nang matapos ang kasal sa simbahan ay dumiretso na kami rito sa reception area. Nagsasayawan ang lahat at kami ng asawa ko ay nakaupo lang dito sa stage.

"Okay its time for the main event. To our bride ihahagis na ang flower at lahat ng babae rito sa harap daliiii~" sabi ng emcee namin na nasa tapat ng mic excited naman ang lahat at tanging si reinally lang ang nakaupo at bored na nakatingin sa party. Natatawa naman sila mom.

"Go honeybabes dapat ikaw makakuha!" Pagchecheer ni oliver kay camilla natawa na lang kami.

"One... Two... Three... Ihagis mo na Mrs. Santos." sabi ng emcee kaya inihagis na ng asawa ko ang boquet.

"What the hell?!" gulat na saad ni reinally dahil sa kanya napunta ang bulaklak. Nagtawanan naman ang lahat sa epic niyang mukha.

"You're next in line sis." pang aasar ko sa kanya at kinunutan niya lang ako ng noo. Halatang naaasar na.

"Shut up." sabi niya ng nakabusangot at biglang inilapag sa table niya
ang bulaklak.

"Okay next is our groom. Ihagis mo na ang garter." sabi ng emcee kaya naman pumunta na ko sa harap at dahil kj si timber sa ganito ay hindi ko inihagis kun'di ibinigay sa kanya.

"What the fvck janus??!" Nakakunot noong saad niya sakin at nginisian ko lang siya saka bumalik sa pwesto namin ng asawa ko.

"Okay the one who get the boquet and the garter please come in front." sabi ng emcee at kahit labag sa loob ng dalawa ay pumunta sila sa harap. Nagpipigil naman kami ng tawa.

"Tss." saad lang ni reinally at umupo na sa nakahandang upuan nakaluhod naman sa harap niya si timber.

"Hoy tim dahan dahan lang baka iba mahawakan mo!" sigaw na pang aasar ni oliver kaya nagtawanan kaming lahat at mas lalo pang natawa ng bigyan siya ni timber ng middle finger. Siraulo talaga sila.

"Go kuya tim! nagblublush siya." pang aasar ng kapatid niyang si victoria. Dahil ang pula ng mukha niya habang inilalagay kay reinally ang garter na hawak niya.

"Lets give them a round of applause." sabi ng emcee kaya pumalakpak kaming lahat na natatawa pa pero lahat kami ay napahinto ng biglang namatay ang ilaw.

"Anong nangyayari?!"

"Is this some kind of a prank?!"

"What the hell is happening?"

---

Pagkatapos ilagay ni timber ang garter sa ilalim ng gown ko ay nagpalakpakan silang lahat halatang natutuwa sila sa kalokohan nila sakin ng biglang namatay ang ilaw.

"BANG!" isang putok ng baril ang  umalingawngaw sa buong hall. Kung saan tumama ang baril? walang nakakaalam. Nagkagulo ang lahat pero ng magbukas ang ilaw ay wala na ang may pakana.

"Janus!" sigaw ni bleu kaya napalingon kami sa pwesto nila at...

Fall (Book 2 Of TCPG) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon