CHAPTER 2:

15 1 0
                                    

SERENE'S POV

Inaasahan ko na to,ang magalit sila sakin.Pero hindi ko na muna yun papansinin,titira ako dito para makasaman sila kahit na galit sila sakin kahit 2 linggo lang ako dito ok na din yun.Sapat na yun para mabigyan ko sila ng oras kahit galit sila.Sabado at linggo aalis ako dito para pumuntang hospital,buti na lang wala silang pakialam sakin kaya makakaalis ako ng mapayapa.

Buti na lang din at malayo sa kwarto nila ang kwarto  ko na magiging kulungan ko nang dalawang linggo.

Yup magiging kulungan at magiging sandalan.Sana lang hindi nila marinig ang sigaw ko gabi-gabi.

Hayy ang makasama sila ang huling kahilingan ko eh.Masakit sa dibdib pero ito nalang ang magagawa ko.Ang dalawang linggo nalang ang alas ko para makasama sila nang PANANDALIAN

Naayos ko na ang mga gamit ko.Kaya Humiga  muna ako.Akala ko magiging  madali ang magpakita sakanila pero nung tignan ko sila Isa-isa at galit ang nakita ko sa mga mata nila gusto kong sumigaw at umiyak.Gusto kong sabihin ang totoo na lumalaban ako ng ilang taon para mabuhay lang para sakanila.Parang ang unfair lang kasi Hindi Naman nila alam ang totoo pero galit ang nararamdaman nila sakin.

Hindi,mali ako.Poot.Poot ang nararamdaman nila,kung pwede lang ipamukha sakanila lahat ng sakripisyo ko ginawa ko na pero mas matimbang parin pala ang sakit na naramdaman ko.Ang pagharap sakanila nang walang ekspresyon sa mukha at walang emosyon sa mga mata,yun lang ang gamot ko para pigilan ang mga LUHA na gustong gusto nang tumulo sa mga pisngi ko kanina pa habang nakaharap ako sakanila.

Buti na lang din at uuwi sina France para may makasama ako dito sa pinas.Sina france ang naging sandigan ko sa America sila ang naging kaibigan ko dun.Alam din nila ang pakay ko kung bakit ako nandito, nung una hindi sila pumayag pero pinilit ko sila kaya in the end pumayag din.

Nung nakabawi na ako ng lakas pumunta akong banyo at nagshower tsaka lumabas pagkatapos ko.Nakasuot ako ng Pajama at naka white T-shirt.Gabi na din kasi 7:30 na.Kinuha ko yung gamot ko tsaka linagay sa bulsa tsaka lumabas ng kwarto wala na akong pake kung nandun man silang lahat.Paninindigan ko to.Bumaba na akong nang hagdan tsaka pumuntang dining at nakita ko naman sila na nandun na at kumakain.Umupo ako sa isang upuan at kumuha narin ng pagkain.Walang imikan.Walang ingay.Maganda nadin to.

Pero walangyang Litz to!Sisingit pa

"So Serena, ano Naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"sarkastikong tanong niya

Sinusubukan niyo talaga ako.

"Well,I'm a model in America"walang ganang sabi ko.Oo!nawawalan na ako ng ganang kumain

"Ahh.Sinabi samin ni Lolo P na wala ka dito ng sabado at linggo.Mabuti naman"sunod na sabi ni Rk

Pranka talaga siya kahit kailan

Napangisi nalang ako at inilabas lahat ng gamot na nasa bulsa ng Pajamang suot ko.Gusto niyo lantaran? Pwes sasabayan ko kayo.

Kumuha ako Isa-isa sa mga gamot saka iyon ininom tsaka sila tinignan Isa-isa na mukhang nagulat sa nakita nila

"Oo,wala ako dito pag weekdays.Maghahanap ako ng kabaong.Do you want to come?"sabi ko sakanila with matching napakalamig na boses.

"A-ano namang gagawin mo sa k-kabaong?"nauutal na tanong ni Merkz

"Advance ako magisip eh.Kaya alam kong may mamatay.Sige una na ako."sagot ko tsaka umalis pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang lumingon ako sakanila tsaka muling nagsalita.

"By the way,Hindi ako nangiwan ng walang dahilan kaya yung galit ay hindi, mali,uulitin ko,  yung POOT na kinikimkim niyo ipamukha niyo nang mabawasan.Kahiya naman kung kayo lang ang nagsu suffer diba?Baka lahat nalang ako ang may kasalanan."paliwanag ko tsaka na tuluyang umakyat at pumasok sa kwarto ko.

14 Days With ThemWhere stories live. Discover now