TSTA 1

12 0 0
                                    

"Kekaaaaaaaaay! Magsaing ka na bilis!"

"Opoooo! Andyaan na!" Bumangon na ako sa kama at.. "Ano ba naman yaaan! Ang Sakiiit!" nahulog pa ako. -.- Tanga.

"Hooooy Kekaaaay! Bakit ang bagal mo!" Haaay nako po!

Ako nga pala si Andrea Kelay "Kekay" Dimuno. Nakatira sa *tooot*. May kaya naman kami. Nakakapag aaral naman kami ng mga kapatid ko. Ako'y labing-limang taong gulang na. At nag-aaral ako sa—

"Kekaaaay.  Ano ba naman yan! Para kang pagong! Malelate na kayo oh!" Haaaaay. Yan nga pala nanay ko. Ang ingay pero wag kayo lab ko yan!

"Heto na nga po nay!"

"Anong heto heto! Kanina ka pa tinatawag ngayon ka lang nakababa. Haay nako! High blood! Ang Aga aga." Hahaha cute ni nanay. Nakakatakyut. XD

"Good Morning Ateee!" Sabi ng ever loving kong bunso! Si Hope! Oh may pag-asa kami ano!

"Good Morning din bunsoooo! Mwaaaah!"

"Good Morning ma." Sabi ni kuya. Oh ha! Yan si Kuya Stan. Stan Dimuno. Campus crush. Varsity. Gwapo. Matalino. Aba'y san pa ba ako nagmana. XD

"Hi kuuuyaaaa!" Bati ko.

"Heh! Ingay mo!" Pagbibiro ni kuya. Nag acting naman ako na nahurt. Best Actress kaya ako sa school.

" Sama mo! Hmph!" At nagpatuloy nalang sa pagsasaing. Binackhug niya ako at...

*Poink*

"Bilisan niyo na diyan. Arte arte pa!" Binatukan lang naman kami ni mama.

"O sya. Maliligo na ako." Sabi ni kuya habang hinihimas niya yung binatukan ni mama.

"Ma, Nasaing ko na. Maliligo na ako. Byeeee!" Oy oy oy. Marami kayang banyo dito. Isa isa bawat kwarto.

"Hinay hinay lang! Basa pa ang sahig. Nag mop ako."

"Opoooo!" At pumasok na ako sa banyo.

*Fast Forward*

Naglalakad na ako papuntang room nang...

"Hoooy Kekaaaaay!" Lumingon naman ako sa tumawag sa akin.

"Oh bakit Biboy?" Ningitian ko na rin siya. Siya si Biboy. Biboy Perez. Fourth Year Section Rizal. Crush ko yan dati pero ngayon hindi na. Shhhh lang ha. Tsaka one year older rin siya sakin. Third Year palang ako eh.

"Ah. Wala lang. Papunta ka na room mo? Hatid na kita." Aya niya. Oy wag kayo. Sanay na ako sa mga ganyan.

"Naks naman. Pang-ilan na ba yan?" At ningisihan ng nakakaloko. Kinamot naman niya ang batok niya.

"Aah. Basta." Cute niya talaga. Pero kaibigan ko lang talaga siya.

"Wag na uy. Maka abala pa ako sayo. Tsaka malapit na time. Dun kana sa room mo. Shupi!" Hahaha. Mean ba? Masanay kayo,  ganyan talaga ako.

Papasok na ako sa room nang nakita ko siya. Shet. Bakit ko ba kasi ginawa yun. Tsk. Umiling iling nalang ako at pumasok na.

"Keeeeeey! Namiiissss ka namiiiiin." Sigaw ng baliw kong mga kaibigan.

"Gaga! Nagkita tayo kahapon." Sabi ko sa kanila. Totoo naman eh. May klase kaya kami kahapon. Malapit na nga prelim eh.

"Araay! Sakit mo naman magsalita." Sabi ni Mika. Mika Angela Blanca. Third year. Maganda. Kalog. Mabait.

"Teka, bakit parang ang tagal mo atang dumating?" Usisa naman ni Jela. Jane Ella Gomez. Matalino. Baliw. Cute.

"Hula ko. Nandun nanaman si Biboooooy. Yiiiiieeee!" Tukso ni Mika.

The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon