TSTA 2

3 0 0
                                    

Kelay's POV



"Hooooy Kelay! Sabihin mo na kasi." Reklamo ni Mika. Ngumiti lang ako sa kanya. Wala kasing klase dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga guro tapos narin ang aming prelim. Kami naman ay nagkwekwentuhan lang. Nakapabilog ang mga upuan. Kaming tatlo tapos idagdag mo pa yung mga lalaki kong kaklase na pilyo.


"Wag na akin na yun. Pati ba naman password aalamin mo." Password ng cellphone ko ang hinihingi ni Mika. Bumuntong hininga nalang ako at kinuha sa kanya ang cellphone at tinaype yung password. *BagayAngJaDrian* (a/n: JaDrian po ay ang isang loveteam sa STASG) at ibinalik agad sa kanya ang cellphone.


"Hahaha! Oo nga nung isang araw nga pasulyap sulyap pa yun kay Jela eh." sabi ni Airus. May pinaguusapan ata sila. Si Airus nga pala ay isa sa mga mapagkakatiwalaan naming kaibigan. Gwapo din naman moreno.


"Sinooo?" pagsawsaw ko sa kanilang usapan.


"Si Gio kamo." Teka, Gio? Hindi ko kilala yun eh. "Yung Varsity sa volleyball. Yung mataas na parang stick." Sama nito. Pero napaisip ako.


"Tekaaaa, yung nadapa sa isang game nila kahapon?" tumango naman sila pwera kay Jela. Lukot na lukot ang mukha. Kinasusuklaman niya yun. Napakababaero kasi at ayaw na ayaw ni Jela sa mga babaero.


"Hoooy seryoso?! May gusto sa iyo yun?" tumango naman si Rock, ang palaging seryoso sa barkada.


"Tumahimik nga kayo. Ingay niyo." The famous sentences of John, the great. Sa aming lahat siya yung tipong gustong tahimik lang parati. At pag pinag-uusapan namin yung mga may gusto kay Jela ang bigla bigla nalang lulukot ang mukha niya. Minsan naiisip ko kung may gusto din ba to kay Jela eh.


"Yung totoo John, may gusto ka ba kay Jela ha?"


"Uuuuuyyyyyyy!" Kantsaw namin.


"Tse!" At yun ang nangyari sa buong free time namin. Puro kulitan, tawanan, jammingan at chikahan. Pauwi na ako nang may napansin akong pinag hahabol na lalaki. Parang pamilyar eh. Sinundan ko sila ng patago. Aba ninja kaya ako. Tumigil siya at yung mga lalaking naghahabol sa kanya.


"Papaaaa! Bakit ka ba tumakbo? May dumi ba mukha ko?"


"Fafa! Kaloka itey kapagod yun!"


Ilan lang yun sa hinaing ng mga bakla kay Rain na ngayoy pinag guguluhan nila. TEKA? Si Rain? Tiningnan ko ulit yung lalaki. Si Rain talaga. Huhuhu. Akin lang yan mga bakla. Dumeretso ako sa kanila with poise kasi dinudumog na nila si Rain.


"Hoooy. Bakit niyo dinudumog si Rain ha?" Napalingon naman ang mga bakla at si Rain sa akin. Ngunit bumalik lang sila sa pandudumog kay Rain.


"Letse. Umalis nga kayo dito. Wag na wag niyong pagsasamantalahan tong si Rain ha? Kundi makakatikim kayo sakin." Umirap naman yung isa.

The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon