"A-Aray! sandali lang!!--Wade!" pilit kong tanggalin yung kamay niya sa kamay ko. Ang sakit sakit na kasi eh!
Tumigil siya tapos hinarap ako
"Hoy! alam mo ba ang ginagawa mo ha? Anong karapatan mo para pumunta don?!" sigaw niya saakin kaya napa yuko ako at unti unti siyang tinignan.
"Sorry naman.. e kasi! Ikaw! may asawa ka na nga tapos nambababae ka pa!-----" bigla niyang tinakpan yung bibig ko at tumingin sa paligid. tsss
"Tumigil ka ngang babae ka! Muntik na akong mapahamak ng dahil sayo!" tinignan niya ako ng masama. Lumunok ako ng ilang beses.
Nag pout ako at umirap siya saakin. "Sa susunod na sundan mo pa ako sa mga ka date ko! Di na talaga kita isasama!" tapos tinulak niya yung noo ko gamit yung index finger niya.
"a-arouch..." inirapan niya pa ako ulit bago kunin yung gitara niya sa lapag na nahulog kanina habang hinahablot niya ako.
Inayos niya yun sa balikat niya at masama niya akong tignan bago tumalikod at iwanan ako.
Napairap nalang din ako at sinuntok ko yung hangin. "Aish!"
"Bahala ka sa buhay mo! ang panget panget mo! AISH!!!" sigaw ko sakanya ng konting malayo na siya. Kumaway kaway pa ito tapos nilagay na niya ang kamay niya sa bulsa.
"AISH!" sinipa sipa ko yung bato at pilit na pinapatamaan siya pero iba yung natamaan ko.
"Aray!" tumingin siya saakin ng masama.
"Ay....... s-sorry po!" tapos nag bow ako ng ilang beses saka umalis
Bwisit na araw to oh! Bakit ba ang malas malas ko? Aish!!
"Mag babayad ka saking lalaki ka pag uwi mo!" ginulo ko yung buhok ko sa inis!
--
Umuwi ako ng mga gabi na at inaasahan ko sana yung lalaking yon pero wala parin. Tch, baka nag raraket nanaman yun. Baliw talaga.
Kumuha ako ng apple sa lamesa at hinugasan iyon, pag katapos ay kumagat ako ng malaki. Nakaka inis talaga! Kailangan ko pang mag lakad dahil nakalimutan ko yung pera ko! Sinama lang naman kasi ako ng magaling na "Wade" na iyon sa date niya. Yung kanina? Ahh, yung sinabihan niya ako ng sinusundan ko siya?
BINABASA MO ANG
My Cold Hubby! [Myungyeon]
RomancePaano kung sobrang cold ng asawa mo sayo? Halos mag kasakit ka na tuwing mag kasama kayo dahil sa lamig na pakikitungo niya. Hahayaan mo nalang ba siyang isama ka lagi sa kanyang date at ipakilala kang "SISTER" niya? Ano gera na ba? © ccladyrac 201...